^

PSN Palaro

Bumida si Smith Texters inilusot sa panalo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bumida si Smith Texters inilusot sa panalo

‘Di makalusot si James Yap ng Rain or Shine sa depensa ni Anthony Semerad ng Talk ‘N Text sa aksyong ito sa PBA Commissioner’s Cup

MANILA, Philippines - Nawala man ang kanilang import na si Duke Crews sa gitna ng third period ay nakipagsabayan pa rin nang husto ang mga Elasto Painters.

Subalit sadyang sinuwerte sa huli ang mga Tro­pang Texters.

Kumolekta si import Joshua Smith ng 23 points, kabilang ang dalawang sunod na basket sa dulo ng fourth quarter, para tulungan ang TNT Katropa na mailusot ang 105-102 panalo laban sa nagdedepensang Rain or Shine sa 2017 PBA Commissio­ner’s Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nagdagdag si Ranidel De Ocampo ng 21 markers kasunod ang 11 at tig-10 points nina Troy Rosario, Ryan Reyes at rookie guard RR Pogoy, ayon sa pagkakasunod, para sa 8-3 record ng Tropang Texters.

Nalasap naman ng Elasto Painters ang ka­nilang ikalawang sunod na kabiguan para sa 5-6 baraha nila.

Sa quarterfinals ay magbibitbit ang No. 1 at No. 2 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.

Maghaharap naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Umaasa ang TNT K­atropa na masisikwat nila ang nasabing insentibo.

“I don’t know if there’s still a chance for a top-two finish, but the important thing is not to be at a twice-to-beat disadvantage,” sabi ni head coach Nash Racela.

Ipinoste ng Tropang Texters ang 16-point lead, 41-25 sa second period hanggang makatabla ang Elasto Painters sa 101-101 mula sa three-point play ni James Yap kay Smith sa huling 1:04 minuto ng fourth quarter.

Kumonekta si Pogoy ng isang long jumper sa nalalabing 26.8 segundo para sa 103-101 abante ng TNT Katropa, habang isang free throw lamang ang naipasok ni Yap para sa 102-103 agwat ng Rain or Shine sa huling 5.2 segundo.

Ang dalawang charities ni De Ocampo galing sa ikaanim at huling foul ni Elasto Painters’ center Raymond Almazan sa natitirang 3.6 segundo ang nagbigay sa Tropang Texters ng 105-102 bentahe.

Pinangunahan ni Yap, ang two-time PBA Most Valuable Player, ang Rain or Shine mula sa kanyang 23 points kasunod ang 18 at 13 markers nina Jeff Chan at Beau Belga, ayon sa pagkakasunod. 

Samantala, kasaluku­yang naglalaban ang Barangay Ginebra at Meralco habang sinusulat ito.

TNT Katropa 105 - Smith 23, De Ocampo 21, Rosario 11, Reyes 10, Pogoy 10, Tautuaa 9, Garcia 9, Rosales 5, Castro 3, Williams 3, Se­merad 1, Carey 0.

Rain or Shine 102 - Yap 23, Chan 18, Belga 13, Cruz 9, Crews 9, Ponferada 6, Trollano 6, Almazan 6, Wa­shington 5, Tolomia 4, Ahanmisi  3, Norwood 0, Robles 0.

Quarterscores: 22-16; 51-39; 78-71; 105-102.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with