^

PSN Palaro

Mojdeh, dula hinirang na PSL swimmer of the year

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh, dula hinirang na  PSL swimmer of the year

Marc Bryan Dula, Coach of the Year Alex Papa, Micaela Jasmine Mojdeh

Papa coach of the year

MANILA, Philippines -  Naibulsa nina Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque at Marc Bryan Dula ng Wisenheimer Academy ang 2016 Philippine Swimming League (PSL) Swimmer of the Year award sa kani-kanilang dibisyon matapos ang impresibong ipinamalas sa mga international competitions sa nakalipas na taon.

Humakot ng gintong medalya si Mojdeh sa  anim na international tour­naments kabilang na ang star-studded Hamilton Aquatics Winter Long Course Championship na ginanap sa Hamad Sports Complex sa Dubai, United Arab Emirates kung saan lumahok si Rio Olympics gold medalist Adam Peaty ng England.

Nagpasiklab si Mojdeh sa harap ng mga Rio Olympians nang angkinin nito ang siyam na gintong medalya para makuha ang Most Outstanding Swimmer award sa girls’ 10-year category.

Magarbong sinimulan ni Mojdeh ang taong 2016 matapos umariba ng apat na ginto tampok ang dalawang bagong rekord sa Winter Kanto Plain Championship sa Tokyo, Japan noong Pebrero.

Sa sumunod na buwan, humataw si Mojdeh ng walong ginto at dalawang pilak sa 2016 Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia na sinundan ng limang ginto at dalawang tanso sa CNEF Stingrays Invitational Meet sa Hong Kong noong Mayo.

Nakasiguro rin si Mojdeh ng apat na ginto, tatlong pilak at isang tanso sa 12th SICC Invitational Swimming Meet sa Singapore noong Agosto kasunod ang anim na ginto at dalawang pilak sa 2016 Buccaneer Invitational Swim Meet sa Tokyo, Japan noong Oktubre.

Hindi naman nagpahuli si Dula na nakalikom ng kabuuang 24 ginto, limang pilak at tatlong tanso kasama ang pitong bagong rekord sa limang international competitions.

Naka-apat na ginto si Dula sa Winter Kanto Plain Championship 2016 sa Tok­yo, Japan; anim na ginto at isang pilak sa 2016 Indian Ocean All-Stars Challenge sa Perth, Australia; limang ginto at isang tanso sa CNEF Stingrays Invitational Meet 2016 sa Hong Kong; pitong ginto at isang pilak sa 12th SICC Invitational Swim Meet sa Singapore at dalawang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso sa 2016 Buccaneer Invitational Swim Meet sa Tokyo, Japan.

Napasakamay naman ng beteranong mentor na si Alex Papa ang Coach of the Year award matapos gabayan sina Mojdeh at Dula na maabot ang ka­nilang kasalukuyang kinalalagyan.

“It was a great year for the three of  them. Watch out for these two young swimmers (Mojdeh and Dula). They are the future of  Philippine swimming. We want to expose them in international competitions as early as possible to prepare them for future international meets,” pahayag ni PSL President Susan Papa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with