^

PSN Palaro

Pinay spikers sadsad sa China

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi nakaporma ang Philippine Superliga-Manila sa tikas ng Tianjin Bohai Bank-China nang lasapin nito ang 8-25, 10-25, 9-25 kabiguan kahapon sa Asian Women’s Club Championships na ginaganap sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan.

Sa unang set pa lamang, inilatag na ng Chinese squad ang matikas na porma matapos magpasabog ng 11 attacks kasama pa ang limang aces at apat na blocks habang nalimitahan lamang sa anim na kills ang Pinay spikers.

Nadala ng Tianjin Bohai Bank-China ang magandang momento sa mga sumunod na sets para tuluyang pulbusin ang PSL-Manila na hindi pa nakatitikim ng panalo sa torneo.

Nagkasya lamang sa pinagsamang 14 puntos sina middle blocker Jaja Santiago at opposite hitter Jovelyn Gonzaga habang nalimitahan sa tatlong puntos si Ces Molina at dalawa naman buhat kay Geneveve Casugod.

Apat na manlalaro ng Tianjin Bohai Bank-China ang nagtala ng double figures sa pangunguna ni Yu Junwei na may 18 puntos.

Nilamon ng Tianjin Bohai Bank-China ang PSL-Manila sa attack line ta­ngan ang 44-19 bentahe gayundin sa aces (9-1) at blocks (7-1).

Nakagawa pa ang Pinay squad ng 15 errors.

Tinapos ng Pinay spi­kers ang eliminasyon sa 0-3 rekord sa Pool B.

Nanguna ang Hisamitsu Springs-Japan na may malinis na 3-0 marka kasunod ang Tianjin Bohai Bank-China na may 2-1 baraha at Vietin Bank-Vietnam na nagrehistro ng 1-2 kartada.

Dahil dito, makakasagupa ng PSL-Manila sa quarterfinals ang top team sa Pool A.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with