^

PSN Palaro

4 teams laglagan sa huling tiket sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena)

1 p.m.  Sta. Elena

vs Army (Men’s)

4 p.m.  Pocari Sweat

vs Air Force (Women’s)

6:30 p.m. Perlas

vs Creamline (Women’s)

MANILA, Philippines - Apat na koponan ang magbabakbakan para sa huling dalawang silyang natitira sa Final Four sa paglarga ngayong hapon ng round-robin quarterfinals ng Premier Volleyball League Reinforced Confe­rence sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang nagdedepensang Pocari Sweat at Philippine Air Force sa alas-4 kasunod ang duwelo ng Perlas Pilipinas at Creamline sa alas-6:30 ng gabi.

Pakay ng Lady Warriors na makaresbak sa Lady Jet Spikers matapos lasapin ang 25-19, 24-26, 25-27, 25-21, 15-6 kabiguan sa huling araw ng eliminasyon na siyang humarang sa kanila upang makuha ang outright semis berth.

Nasiguro ng BaliPure (7-3) at Power Sma­shers (6-4) ang unang dala­wang tiket sa semis dahilan upang maiwan sa Pocari, Air Force, Perlas at Creamline ang salpukan para sa nalalabing silya sa susunod na yugto.

Pilay na pilay ang Pocari matapos magtamo ng injury ang dalawang pa­ngunahing manlalaro nito - sina local ace Myla Pablo na may back injury at import Edina Selimovic na may hamstring tear.

Ngunit umaasa ang pa­munuan ng Lady Warriors na makababalik na sa aksiyon si Pablo matapos ang ilang linggong pahinga.

Target din ng Pocari na kumuha ng bagong import na siyang hahalili sa puwes­tong naiwan ni Selimovic.

Hinihintay na lamang ng grupo ang pagproseso sa International Transfer Certificate ng kanilang bagong American import.

Dahil dito, kinakaila­ngan nina Elaine Kasilag, Maricar Nepomuceno, Desiree Dadang, Jeanette Panaga at setter Gyzelle Sy na maglatag ng solidong laro para suportahan si import Michelle Strizak na nagpasabog ng 40 puntos sa kanilang huling laro.

Babanat naman para sa Lady Jet Spikers si Thai reinforcement Saengmuang Patcharee na da­ting team captain ng Thai national team.

Makakasama nito sina Joy Cases, Jocemer Tapic, Iari Yongco, Mae Antipuesto at veteran playmaker Wendy Semana.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with