Morales namumuro sa 3-peat
MANILA, Philippines - Namumuro si Atty. Narciso Morales para sa kanyang ‘three-peat’ sa labanan ng mga horse owners, ayon sa report ng Philippine Racing Commission sa pagtatapos ng buwan ng Abril.
Kumolekta si Morales ng 85 wins, 87 second, 95 third at 105 fourth place finishes para sa kabuuang P19,378,753 premyo sa pagpasok ng 2017 horse racing season sa pang-limang buwan.
Noong 2016 ay nagtala si Morales, isang negosyante na tatlong dekada nang nasa horse racing, ng record sa local racing history nang magposte ng 223 wins para maging winningest owner sa ikatlong pagkakataon sa huling limang taon.
Sumegunda naman si Wilbert Tan sa kanyang 18-16-18-11 (first, second, third at fourth finishes) para sa kinitang P5,675,356 kasunod si dating Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Jr. na may 22-4-7-10 at premyong P5,471,844.
“Our team is elated to see our horses win and deliver. We’re thankful to the fans who continue to support our runners,” ani Morales.
Inaasahang lalaki pa ang premyong makukuha ni Morales sa pagpasok ng May report dahil sa panalo ng dalawa sa kanyang tatlong kabayo sa MJCI 150th Anniversary at 1867 Founder’s Cup races.
Nanguna ang Palos, sinakyan ni PJ Guce, sa PCSO Cup para itakbo ang premyong P600,000, habang bumandera ang Ifyourhonorplease, iginiya ni Kelvin Abobo, sa 11 pang kabayo para trangkuhan ang Resorts World Manila Cup at kunin ang premyong P600,000.
- Latest