^

PSN Palaro

Rebisco kinapos sa Vietnam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumaban ngunit kinapos sa bandang huli ang Philippine Superliga-Manila upang lasapin ang 21-25, 25-17, 20-25, 14-25 kabiguan sa kamay ng Vietin Bank-Vietnam kahapon sa Asian Women’s Club Championships na ginaganap sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan.

Muling umariba si middle blocker Jaja Santiago ng Foton nang humataw ito ng 17 puntos tampok ang 15 attacks habang nagdagdag naman sina Aby Maraño ng F2 Logistics at Jovelyn Gonzaga ng Cignal HD ng tig-10 puntos para sa Pinay spikers.

Naglatag naman si UAAP Best Setter Kim Fajardo ng Cargo Movers ng 48 excellent sets habang may siyam na  puntos na naitala si Rachel Anne Daquis at pinagsamang anim na puntos sina Mika Reyes at Maika Ortiz sa larong tumagal ng isang oras at 44 minuto.

Minanduhan ni Dinh Thi Thuy ang Vietnam squad nang itarak nito ng 24 puntos - lahat g­aling sa attacks - katuwang ang tatlong manlalarong nagtala ng double figures na sina Pham Thi Kim Hue (15), Le Thanh Thuy (14) at Doan Thi Xuan (12).

Inilabas ng Vietnam ang malalim nitong karanasan nang magpasabog ng 66 kabuuang kills laban sa 44 lamang ng Pilipinas.

Abante rin ang Vietna­mese player sa blocks hawak ang 9-6 iskor subalit nakaungos ang Pinay belles sa service line bitbit ang 4-1.

Nahulog sa 0-2 baraha ang PSL-Manila sa Pool B matapos unang matamo ang 25-17, 25-10, 25-14 pagkatalo sa powerhouse Hisamitsu Springs-Japan sa opening day.

Susubukan ng PSL-Manila na makuha ang unang panalo sa pakikipagtipan sa Tianjin Bohai Bank-China ngayong hapon. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with