^

PSN Palaro

Tinakasan ang Elasto Painters Batang Pier nabuhayan ng pag-asa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Center, Antipolo)

3 p.m. NLEX vs Phoenix

5:15 p.m. San Miguel

vs Alaska

MANILA, Philippines - Ilang beses bumangon ang Elasto Painters mula sa pagkakaiwan.

Ngunit sa huling minuto ng final canto ay tiniyak ng Batang Pier na hindi maagaw sa kanila ang panalo.

Sumandal ang Globalport kina Terrence Romeo, Sean Anthony at import Justin Harper sa dulo ng fourth quarter para takasan ang nagdedepensang Rain or Shine, 107-101 para buhayin ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Batang Pier ang nagtaas sa kanilang baraha sa 4-6 katabla ang Phoenix, habang nalaglag naman ang karta ng Elasto Painters sa 5-5.

Tumapos si Romeo na may 26 points, 7 assists at 5 rebounds para sa Globalport, habang nagdagdag si Harper ng 19 markers kasunod ang tig-15 nina Anthony at Stanley Pringle.

Binanderahan naman ni import Duke Crews ang Rain or Shine mula sa kanyang 23 points kasunod ang 22 markers ni James Yap, nagsalpak ng tatlong three-point shot sa fourth period.

Ipinoste ng Batang Pier ang 16-point lead, 30-14, sa first period hanggang kunin ng Elasto Painters ang 94-86 abante mula sa fastbreak basket ni Jericho Cruz sa 5:14 minuto ng laro.

Nagtuwang sina Romeo at Harper para akayin ang Globaport sa 103-98 bentahe laban sa Rain or Shine sa huling 53.4 segundo.

Samantala, maglalaro naman ang Alaska na wala ang mga may injury na sina Calvin Abueva, JVee Casio at Vic Manuel sa kanilang pagsagupa sa San Miguel ngayong alas-5:15 ng hapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Si Abueva ay nagkaroon ng ankle injury sa 92-100 kabiguan ng Aces sa sibak nang NLEX Road Warriors noong Miyerkules, habang may hamstring at knee inury naman sina Casio at Manuel, ayon sa pagkakasunod.

Kasalukuyang nasa five-game losing slump ang Alaska matapos ang 4-0 panimula sa torneo.

Sa unang laro sa alas-3 ng hapon ay magtutuos naman ang NLEX at Phoenix.

Globalport 107 - Romeo 26, Harper 19, Pringle 15, Anthony 15, Pessumal 9, Cortez 8, Maierhofer 3, Mamaril 2, Forrester 2, Grey 2, Paredes 0.

Rain or Shine 101 - Crews 23, Yap 22, Cruz 14, Chan 10, Tiu 6, Belga 4, Tolomia 3, Norwood 2, Ahanmisi 0.

Quarterscores: 27-14; 48-44; 75-73; 107-101.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with