^

PSN Palaro

Avenido isinalba ang Coffee Lovers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes (JCSGO Gym, Cubao)

3 p.m.  CEU vs Wangs Basketball

5 p.m.  Batangas vs Marinerong Pilipino

MANILA, Philippines - Dinala ni Leo Avenido ang baguhang Gamboa Coffee Mix sa pukpukang 85-84 panalo laban sa kapwa bagitong Zark’s Burger sa pagbubukas ng 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naisalpak ng 38-an­yos Coffee Lovers playing coach ang go-ahead free throw may 3.1 segundo pang nalalabi kasabay ng matikas na depensang inilatag nito laban sa Jawbreakers kabilang na ang mala-dikyang pagpigil sa tangkang game-winning basket ni Robby Celiz.

“Ang hirap kasi di naman ako si Jawo,” wika ni Avenido patungkol kay legendary Ginebra playing coach Robert Jaworski. “Pero yun yung binigay na task at sinubukan ko yung sarili ko kung kaya kong maiangat yung morale ng mga players,” aniya.

Naipasok ni Avenido ang 12 sa kanyang 15 puntos sa second half kung saan pinamunuan nito ang Gamboa Coffee Mix sa pagbangon mula sa 13 puntos na pagkakalugmok sa second period, 32-19.

Humatak din si Avenido ng limang rebounds nag-lista ng dalawang assists at kumana ng dalawang steals sa unang panalo ng Coffee Lovers.

Nagparamdam din ng lakas si Ken Acibar ng 17 markers at pitong boards habang nakalikom si Jens Knuttel ng 12 points, apat na assists at tatlong rebounds sa hanay ng Coffee Lovers.

Minanduhan ni Celiz ang Jawbreakers matapos humakot ng 26 puntos mula sa 10-of-25 shooting clip kasama pa ang siyam na rebounds at tatlong assists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with