^

PSN Palaro

Gin Kings pakay ang bonus sa Elite

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Alonte Sports Arena)

4:15 p.m. Globalport vs Rain or Shine

7 p.m. Ginebra vs Blackwater

MANILA, Philippines - Matapos mapigilan ang five-game winning streak ay nakabangon sa kabiguan ang Gin Kings para targetin ang ikalawang sunod na panalo at ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive.

Sasagupain ng Barangay Ginebra ang na­nga­nganib na Blackwater ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtutuos ng nagdedepensang Rain or Shine at GlobalPort sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissio­ner’s Cup sa Alonte Sports Arena sa Laguna.

Nanggaling ang Gin Kings sa 107-99 panalo laban sa San Miguel Beermen noong Linggo, habang nakalasap naman ang Elite ng 87-96 pag­yukod sa Mahindra Floodbuster sa kanilang huling laro noong Mayo 7.

Sa tournament format, ang mga koponang kukuha sa No. 1 at No. 2 seats ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 8 at No. 7, ayon sa pagkakasunod.

At ito ang puntirya ng Ginebra (6-2) sa kanilang pagharap sa Blackwater (2-7).

Sa unang laro, hangad naman ng Elasto Pain­ters (5-4) na dumiretso sa kanilang ikalawang dikit na panalo sa pagsagupa sa Batang Pier (3-6).

Umiskor ang Rain or Shine ng 118-112 win laban sa Ginebra noong nakaraang Biyernes.

Sa kanyang pagbabalik sa PBA ay humakot si import Duke Crews, dating naglaro para sa Barako Bull, ng 28 points at 22 rebounds para sa Elasto Painters, nakabangon mula sa 16-point deficit sa Gin Kings para palakasin ang kanilang tsansang makasama sa eight-team quarterfinals cast.

Magpapatibay din ng kanilang pag-asa sa quarterfinals ang Batang Pier.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with