^

PSN Palaro

Air Force pinutulan ang Pocari

Pilipino Star Ngayon
Air Force pinutulan ang Pocari

  Naglatag ng depensa sina Jasmine Nabor at Risa Sato ng BaliPure sa kill ni Regine Arocha ng Power Smashers sa PVF. (Jun Mendoza)

MANILA, Philippines - Ginulantang ng Philippine Air Force ang nagde­depensang Pocari Sweat sa pamamagitan ng 25-19, 24-26, 25-27, 25-21, 15-6 panalo upang putulin ang seven-game losing skid nito kahapon sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Binitbit ni veteran Thai reinforcement Patcharee Saengmuang ang Lady Jet Spikers nang isaboy nito ang 27 puntos kabilang ang back-to-back hits na siyang pumigil sa Lady Warriors na makuha ang outright semis berth.

Umangat sa 2-8 ang Air Force samantalang nalag­lag sa 6-4 ang Pocari.

Sapat na suporta ang ibinigay ni Joy Cases na gumawa ng 21 makers gayundin sina Jocemer Tapic at Iari Yongco na may pinagsamang 23 hits.

“Since we’re on a skid, I told the girls to do what we’ve been doing in practice and they delivered,” sambit ni Air Force coach Jasper Jimenez.

Hindi napakinabangan ang pinagsikapang 40 puntos ni American import Michelle Strizak para sa Lady Warriors.

Wala nang Pinay pla­yers ang nakapagtala ng double digits kung saan tanging walo lamang ang nai-ambag ni Jeanette Panaga at tig-pito sina Maricar Nepomuceno at Elaine Kasilag.

Malaking kawalan sina top local hitter Myla Pablo at Bosnian import Edina Selimovic na parehong nagtamo ng injury.

Tinamaan ng back injury si Pablo samantalang may hamstring injury naman si Selimovic.

Nakagawa pa ang Pocari Sweat ng 35 errors kumpara sa 25 lamang ng Air Force.

Lamang din ang Lady Jet Spikers sa attack line, 62-60 at service area, 9-6. 

Sa ikalawang laro, pinataob ng Power Smashers ang BaliPure Water Defen­ders sa bisa ng 25-20, 25-23,  25-19 panalo upang ma­palakas ang tsansa ni­tong makahirit ng outright semis berth.

Tinapos ng Power Sma­­shers ang eliminasyon tangan ang 6-4 rekord para saluhan ang Pocari sa ikalawang puwesto.

Sa men’s division,  pinayuko ng Air Force ang Café Lupe, 25-16, 25-22, 25-19  para dagitin ang unang silya sa semifinals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with