^

PSN Palaro

Rebisco-PSL Manila spikers handang-handa na sa laban

Pilipino Star Ngayon
Rebisco-PSL Manila spikers  handang-handa na sa laban

Kasama sa larawan nina PSL President Susan Papa at Secretary/General Susan Benasa ang mga team champion coaches na sina Manny De Leon, Maila Sumile at Mike Recel at ang mga Most Outstanding Swimmers sa katatapos na 115th PSL National Series-Gov. Miraflores Cup Swimming Championship.

UST-KAMENOGORSK, Kazakhstan — Dumating na ang Rebisco-PSL Manila squad dito matapos ang mahabang 35-hour travel mula sa Maynila patungong Istanbul.

Nakatakdang sumabak ang koponan sa mabigat na Asian Women’s Club Volleyball Championships na magsisimula sa Huwebes.

Sinabi ni team captain Rachel Anne Daquis na alam niyang matindi ang kompetisyon, ngunit ang pagkakaroon ng “big fighting heart” laban sa pito pang tropa ang magdadala sa kanila sa panalo.

Ang Rebisco-PSL Manila ay binubuo ng 14 players na ang karamihan ay mula sa binuong Philippine team  para sa darating na 2017 Southeast Asian Games sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Makakatapat ng koponan ang mga top clubs mula sa Japan, China, Vietnam, Thailand, Iran, Chinese Taipei at host Kazakhstan.

Tumapos sa pang-pitong puwesto ang Nationals sa event na pinamahalaan ng bansa noong nakaraang taon sa Mall of Asia Arena sa Pasig City.

“We will be going all out here because we want to gauge the team,” wika ni national team head coach Francis Vicente. “From here we would know how to go about preparing for the SEA Games.”

Ang mga Rebisco spikers ay sina SEAG team skipper Mika Reyes, Jaja Santiago, Aby Maraño, Denden Lazaro, Kim Fajardo, Bia General, Lourdes Clemente, Maika Ortiz, Gen Casugod, Ces Molina, Aiza Pontillas, Rhea Dimaculangan at Jovelyn Gonzaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with