^

PSN Palaro

Roach ‘di nagustuhan ang ikinikilos ni Pacquiao

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Imbes na matuwa ay nadismaya si chief trainer Freddie Roach nang makita ang pag-eensayo ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Ayon kay Roach, wala sa kanyang tiyempo ang mga suntok at footwork ni Pacquiao.

Tahimik na dumating si Roach sa bansa noong Linggo at kinabukasan ay pinamahalaan ang training session ni Pacquiao sa Elorde Gym sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Naging abala ang 38-anyos na si Pacquiao sa kanyang mga trabaho sa Senado na maaaring umokupa sa kanyang oras para sa isang matinding ensayo.

Huling lumaban si Pacquiao noong Nobyembre ng na­­karaang taon kung saan niya tinalo si Jessie Vargas para agawin sa Mexican-American ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang naturang titulo ang ipagtatanggol ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) kontra kay Australian challenger Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Kasamang dumating sa bansa ni Roach si strength coach Justin Fortune.

Ayon kay Roach, dapat ay 10 rounds na sparring na ang ginagawa ni Pacquiao ngayon imbes na limang rounds para makuha ang kanyang lakas at bilis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with