^

PSN Palaro

Star at Meralco pag-aagawan ang top spot sa elims

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagsosyo ang Star at Meralco sa liderato mula sa magkatulad nilang 7-2 kartada.

Sinabi ni Hotshots head coach Chito Victolero na na­­pakahalaga para sa ka­nila ang talunin ang Bolts ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black.

“It will be a crucial game for both of us. Mental toughness will be a key factor in this game,” wika ni Victo­lero.

Magtutuos ang Star at ang Meralco ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagkikita ng Alaska at talsik nang NLEX sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Ara­neta Coliseum.

Nakatabla ang Hotshots sa liderato matapos ta­lunin ang TNT Katropang Texters, 107-97, samanta­lang nabigo naman ang Bolts sa Globalport Batang Pier, 86-94, sa kanilang mga huling laban bago ang pagdaraos ng SEABA Men’s Championship na dinomina ng Gilas Pilipinas.

Ang mananalo sa pagitan ng Star at Meralco ang makakalapit sa isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinal round.

“It’s an important game for both teams because a win will move you one step closer to the twice-to-beat advantage,” sabi ni Black.

Para palakasin ang ka­nilang kampanya sa quarterfinals ay muling hinugot ng Star si import Ricardo Ratliffe.

Sa kanyang pagbabalik ay humakot si Ratliffe ng 37 points at 22 boards sa pa­nalo ng Hotshots sa Tro­pang Texters.

Itatapat naman ng Me­ralco si reinforcement Alex Stepheson, nagtala ng mga averages na 22.3 re­bounds, 17.78 points, 1.56 blocks at 1.56 assists sa siyam na laro.

Sa unang laro, umaasa naman si coach Alex Compton na magwawakas ang apat na sunod na ka­malasan ng Aces sa ka­nilang pagtapat sa Road Warriors.

“This is a huge game for us and we are treating it like a must-win,” sabi ni Compton sa Alaska na haharapin ang San Miguel sa Sabado at ang Star sa susunod na Miyerkules. 

“We need to get back on track and play excellent for 48 minutes against a Coach Yeng-coached team that has nothing to lose,” dagdag pa nito.

Samantala, kinuha ng Beermen si balik-import Wendell McKiness, naglaro para sa Alaska at Rain or Shine, para palitan si Charles Rhodes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with