Warriors winalis ang Spurs patungo sa NBA Finals
GINALINGAN EH!
SAN ANTONIO -- Ang Golden State Warriors ang naging unang koponan sa NBA history na nakapagposte ng 12-0 record sa playoffs.
Kinumpleto ng Warriors ang pagwalis sa Spurs nang kunin ang 129-115 panalo sa Game Four para angkinin ang korona ng Western Conference.
Nauna nang winalis ng Golden State ang Portland Trail Blazers sa first round at ang Utah Jazz sa conference semifinals series.
“(Being) 12-0 is great, but it doesn’t mean anything going into the next series, and we understand that,” sabi ni Stephen Curry, kumamada ng 36 points, ang 18 ay kanyang ginawa sa first half.
Umabante din ang Los Angeles Lakers sa NBA Finals noong 1989 at 2001 na may 11-0 marka nang ang first round ay isang best-of-five series pa lamang.
“It’s great to be one of the last two teams standing, we’ll see how it goes,” wika naman ni Kevin Durant, nagtala ng 29 points at 12 rebounds.
It makes the game fun. The way we play the game and move the ball. Watching him do what he does. It’s a fun way to play and we want to keep that up. I’m having fun, enjoying what I do,” dagdag pa nito.
Nagdagdag naman si Draymond Green ng 16 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Warriors.
Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na maglalaro ang Warriors sa NBA Finals.
Hihintayin nila ang mananalo sa Eastern Conference finals series sa pagitan ng top-seeded Boston Celtics at No. 2 Cleveland Cavaliers, angat sa serye bitbit ang 2-1 bentahe.
Sa isinalpak na limang three-point shots ay nakakonekta si Curry ng 295 postseason three-point baskets para lampasan si Kobe Bryant (292) sa fifth place sa NBA list.
Hawak ni Ray Allen ang No. 1 spot sa kanyang 385 triples sa playoffs kasunod sina Reggie Miller (320), Manu Ginobili (317) at LeBron James (314).
Naglaro ang Spurs nang wala sina injured starters Tony Parker at Kawhi Leonard pati na si David Lee.
“Obviously it (stinks) that Kawhi wasn’t there and Tony wasn’t there and David wasn’t out there,” wika ni Green. “But, at the end of the day, a win is a win and you have to beat whoever is out there against you.”
Pinamunuan naman ni Kyle Anderson ang San Antonio mula sa kanyang 20 points.
Nagdagdag sina Ginobili at Patty Mills ng 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.
- Latest