^

PSN Palaro

BaliPure nagsolo sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matibay na depensa ang inilabas ng BaliPure sa huling sandali ng laro upang itakas ang 25-21, 25-23, 16-25, 15-27, 15-10 panalo laban sa Perlas Spikers para muling masolo ang liderato sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nanguna sa atake si Thai reinforcement Jaroensri Bualee na humataw ng 16 puntos tampok ang mga krusyal na puntos sa huling sandali ng laro para tulu­ngan ang Water Defenders na maikabit ang ikaanim na panalo sa walong laro.

Ang  panalo ang nag­lapit sa  BaliPure sa outright semifinals slot.

Nakalikom din si Bua­lee ng 14 digs at siyam na receptions para  banderahan ang solidong floor defense ng BaliPure.

Naramdaman din ang lakas ni import Jennifer Keddy na nagrehistro ng 24 puntos gayundin  si NU standout Aiko Urdas na may 12 markers.

Nag-ambag si Filipino-Japanese Risa Sato ng 12 puntos samantalang nalimitahan sa pagkakataong ito si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones sa pitong puntos.

Nahulog naman ang Perlas  sa 5-4 marka.

Nagpasiklab si Brazilian import Rupia Inck matapos umariba ng 27 points tampok ang 23 galing sa attacks habang nagdagdag naman si dating V-League MVP Sue Roces ng 12 puntos at tig-walong puntos naman ang nagawa nina dating UAAP Best Blocker Kathy Bersola at Amy Ahomiro.

Dominado ng Water De­fenders ang attack line nang ibaon nito ang 62 kills laban sa 51 lamang ng Perlas Spikers.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with