^

PSN Palaro

Thomas out na sa Playoffs

Pilipino Star Ngayon

BOSTON - Wala nang magagawa si point guard Isaiah Thomas kundi panoorin ang Celtics mula sa kanyang upuan.

Mas lalo pang mahihirapan ang Celtics na talunin ang Cleveland Cavaliers sa kanilang Eastern Confe­rence Finals matapos ihayag ng Boston ang tuluyan nang pamamahinga ni Thomas sa season dahil sa isang hip injury na nangyari sa Game Two noong Biyernes.

 Hindi sumama si Tho­mas sa pagbiyahe ng Cel­tics sa Cleveland para sa Game 3 sa Linggo.

Maaari nang walisin ng Cavaliers ang Celtics sa pamamagitan ng dalawang panalo sa Cleveland.

Sa paglabas ni Thomas ng court sa halftime ay hawak na ng Cavaliers ang NBA-record na 41 points patungo sa kanilang 130-86 panalo para angkinin ang 2-0 abante sa kanilang best-of-seven series.

Nalasap ni Thomas ang nasabing hip injury noong Marso at muli itong bumalik sa Game 6 ng kanilang East semifinals series ng Washington Wizards.

Lalo pang namaga ang baywang ni Thomas sa Games 1 at 2 kontra sa Cleveland.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with