PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Soguilon babandera sa Aklan swim meet

Kyla Soguilon
 

MANILA, Philippines -  Ibabandera ni Kyla Soguilon ang kampanya ng Aklan swimming team sa paglarga ngayon ng  115th PSL National Series-2nd Gov. Miraflores Swim Cup sa Makato Sports Complex sa Kalibo, Aklan.

Inaasahang dodomina­hin ng 12-anyos na si So­guilon, humahakot ng  gin­tong me­dalya sa mga international competitions sa Japan, South Africa, United Arab Emirates, Singapore, Thailand at Hong Kong ang kanyang mga kalaban.

Nasungkit din ni So-guilon ang dalawang sunod na Palarong Pambansa Most Outstanding Swimmer award noong 2016 sa Bicol at 2017 sa Antique. Hinirang din si Soguilon na PSL Female Swimmer of the Year nong 2013, 2014 at 2015.

Sasabak din sa torneo ang pambato ng Bicol, Cavite, Laguna, Iloilo, Pampanga, Isabela, Pasay, Parañaque, Navotas, Bulacan, Baguio City, Quezon City, Davao, Capiz, Ormoc, Manila, Bacolod at Cebu City. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: