PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

POCARI pupuwesto sa semis vs Creamline

Premier Volleyball League reinforced conference

MANILA, Philippines -  Target ng nagdedepensang Pocari Sweat na masungkit ang unang silya sa semis sa pakikipagtipan sa mapanganib na Creamline sa pagpapatuoy ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang Lady Warriors at Cool Sma­shers sa alas-6:30 ng gabi samantalang lalarga rin ang bakbakan ng Power Smashers at Perlas sa ala-una kasunod ang duwelo ng Philippine Air Force at BaliPure sa alas-4.

Mainit ang ratsada ng Pocari na nakasakay sa six-game winning streak kung saan tinalo nito ang Air Force, Creamline, Po­wer Smashers, BaliPure at dalawang beses sa Perlas.

Hawak ng Lady Warriors ang solong pamumuno tangan ang 6-2 rekord kasunod ang Water Defenders na may 4-2 marka, Perlas Spikers na may 4-3, Po­wer Smashers (3-3), Cool Smashers (2-4) at Lady Jet Spikers (1-6).

Inaasahang ipapahinga ng Lady Warriors si top sco­rer Myla Pablo na nagtamo ng back injury sa kanilang huling laro.

Kaya naman sasandalan ng Pocari sina Elaine Kasilag, Maricar Nepomuceno, Gyzelle Sy, Melissa Gohing at Jeanette Panaga kasama sina imports Edina Sellimovic at Michelle Strizak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipaparada naman ng Cool Smashers sina American Laura Schaudt at Thai Kuttika Kaewpin na siyang tutulong kay three-time UAAP MVP Alyssa Valdez upang mapaganda ang kanilang 2-4 baraha.

Sa kabilang banda, hahataw para sa Power Smashers sina Thais Hya­pha Amporn at Kannika Thipachot kasama sina Dimdim Pacres, Jovielyn Prado, Katherine Villegas at Regine Arocha.

Tatapatan naman ito ng Perlas Spikers sa pa­ngunguna ni Brazilian Rupia Inck at Japanese setter Naoko Hashimoto.

Sa men’s division, maghaharap ang Cignal at Air Force sa alas-10 ng umaga kung saan pakay ng HD Spikers na maikabit ang ikaapat na sunod na panalo.

 Laglag ang Jet Spikers sa 2-3 kartada.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: