PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinay booters sinilat ang Myanmar, swak sa Finals

MANILA, Philippines -  Hindi nagpatinag ang Philippine national lady booters sa madikit na laban at nagawa pa nilang mau­ngusan ang Myanmar sa huling minuto para itakas ang 3-2 panalo at masungkit ang finals slot sa Asean Football Federation (AFF) U15 Girls Championship noong Huwebes sa KM16 Stadium ng Vintiane, Myanmar.

Tabla ang laban sa 2-2 ng umiskor si Mayra Garcia mula sa 20 metro may apat na minuto na lang ang nalalabi upang makuha ang ka­rapatang lumaban kontra sa malakas na Thailand sa finals ngayong araw (Sa­bado).

Ang Thailand ay umabante sa finals bunga ng kanilang 6-0 shutout win laban sa Cambodia sa ibang semis match.

Naunahan ang mga batang Pinay booters, 0-1 at galing din kay Garcia ang naunang goal ng bansa mula sa pasa ni Katelyn Alexander bago sa halftime. Ngunit sa final half ipinakita ng mga Pinay Booters ang matinding determinasyon tungo sa malaking panalo.

“The girls simply refused to lose,” pahayag ni Pilipinas coach Marielle Benitez pagkatapos ng laban.

Naitabla ng Myanmar ang laro sa score ni Noe Klins at sinundan pa ng isa sa 52nd minute para sa  2-1 lead ng kalaban.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mula sa hataw ni Vi­viana Cera sa ika-57th minute naitabla ng mga Pinay footballers ang laro, 2-2 bago sa isa pang goal ni Garcia para manatili ang kanilang walang bahid na rekord mula sa group stages ng torneo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: