PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

James kondisyon na sa Game 2 vs Celtics

Nagtala si LeBron James ng 38 points, 9 rebounds at 7 assists para sa pagdomina ng Cleveland Cavaliers laban sa Celtics sa Game 1 ng kanilang NBA Eastern Conference finals. AP/File

BOSTON -- Nagtala si LeBron James ng 38 points, 9 rebounds at 7 assists para sa pagdomina ng Cleveland Cavaliers laban sa Celtics sa Game 1 ng kanilang NBA Eastern Conference finals.

Ngunit ayon kay James, wala pa siya sa kanyang kondisyon matapos ang 10-day break ng Cavaliers makaraang walisin ang Toronto Raptors sa second round.

“I felt OK last night," wika ni James noong Huwebes.

Tatrargetin ni James at ng Cleveland ang malaking 2-0 bentahe sa kanilang pagsagupa sa Boston sa Game 2 sa Biyernes.

Maganda ang kanyang naging outside shooting, walang nakapigil sa mga salaksak niya, nakakagawa ng pasa sa mga teammates at kung kailangan ay na­dedepensahan ang mga scorers ng Boston.

Sa pagkawala ng home-court advantage, kailangan ng Celtics na manalo sa Game 2.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dapat makahanap ng solusyon ang Boston na pata­himikin si James at pigilan ang Cleveland, nagdadala ng extra motivation dahil sa itinala nilang 9-0 record sa playoffs.

Inaasahan ni James na reresbakan sila ng Celtics sa Game 2.

“There's going to be some adjustments made from both sides. We have to be ready for it,” sabi ni James. “Obviously, we don't know the exact adjustments, but we know they're going to make adjustments. That's what good teams do, and we have to be ready for whatever they bring to the table.”

Dalawang players lamang ang nakapinsala sa Celtics sa Game 1.

Ito ay sina James at Ke­vin Love, habang tumapos si Kyrie Irving na may 11 points mula sa 4-of-11 fieldgoal shooting.

Sina sharpshooters J.R. Smith at Kyle Korver ay may pinagsama namang 2 for 8 fieldgoal attempt.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: