PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Valdez, Reyes pasok sa Team Phl

Alyssa Valdez
 

18-man pool inihayag na

MANILA, Philippines -  Pangungunahan nina three-time UAAP champion Mika Reyes ng Petron at three-time UAAP MVP Alyssa Valdez ng Creamline ang 18-player  wo­men’s pool na sasabak sa 2017 Southeast Asian Games  sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinangalanan ding team captain si Reyes base sa deliberasyon ng na­tional coaching staff na pinamumunuan ni head coach Francis Vicente.

Mika Reyes

Pasok din sa lineup si 2016 Philippine Superliga Grand Prix MVP Jaja Santiago ng Foton gayundin sina F2 Logistics standouts UAAP Best Setter Kim Fajardo at 2016 PSL All-Filipino Conference MVP Dawn Macandili at sina Cig­nal HD players 2016 PSL Invitational MVP Jovelyn Gonzaga at PSL  All-Filipino Conference MVP Rachel Anne Daquis.

Kasama rin sa kopo­nan sina Aby Maraño, Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimaculangan, Denden La­zaro, Maika Ortiz, Geneveve Casugod, Ria Meneses, Ces Molina, Roselle Baliton, Kath Arado at Lourdes Clemente.

“Malakas ang team na ito and we’re hoping for the best. Hindi pa namin ma-determine kung anong color ng medal ang makukuha namin pero for sure palaban itong team na ito,” wika ni Vicente.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Papangalanan ng coaching staff ang Final 12 sa huling bahagi ng Hulyo.

Sasailalim ang kopo­nan sa matinding pagsasanay sa ibang bansa bilang paghahanda sa da­lawang malaking torneong lalahukan nito--ang Asian Volleyball Confe­deration Women’s Seniors Volleyball Tournament at SEA Games.

Sa men’s division, na­nguna sa listahan si NCAA MVP Jonhvic De Guzman na siyang team captain kasama sina NCAA standouts Bonjomar Castel, Relan Taneo, Jack Kaling­king at Herchel Ramos.

Napili rin sina Mark Al­fafara, Bryan Bagunas, Geuel Asia, Edward Camposano, Greg Dolor, Peter Quiel, Reyson Fuentes, Louwie Chavez, Jeffrey Malabanan, Ranran Abdilla, John Carsacal, John Sarscena at Dave Caba­ron.

Gagabayan ang men’s team ni Sammy Acaylar.

Pormal na ipinakilala kahapon ang mga mi­yembro ng national pool na aprubado ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. sa pangunguna nina LVPI President Joey Romasanta at Vice-President Peter Cayco.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: