^

PSN Palaro

Pacquiao uunahang paliguan ng suntok si Horn

Dino Maragay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Alam na may puwersa ang kanang kamay ni Jeff Horn, sinasanay ngayon ni Manny Pacquiao ang kanyang sarili kung paano ito maiiwasan.

Inamin ni assistant trai­ner Buboy Fernandez na mahina ang depensa ng Filipino icon sa mga kalaban niyang gumagamit ng right straight.

Ngunit iginiit niyang normal lamang para sa mga southpaws na tamaan ng mga orthodox fighters.

“Depende naman kasi ‘yan sa sitwasyon ng kalaban, lalo pag counter­puncher. Lalo na pag kaliwete ka, you’re an easy target sa kanan,” wika ni Fernandez noong Huwebes sa ginagawa nilang training ni Pacquiao sa Elorde Gym sa loob ng Mall of Asia Complex sa Pasay.

Nagpapawis si Pacquiao ng nine rounds sa mitts bago lumipat sa heavy at speed bags.

Itataya ni Pacquiao sa Hulyo 2 ang kanyang hawak na WBO welterweight title laban kay Horn, sinasabing alam labanan ang mga southpaws kagaya ni Pacquiao at may malakas na right hand.

Tinitingnan ng kampo ni Horn ang ginawang pagpapabagsak ni Mexican Juan Manuel Marquez kay Pacquiao noong 2012.

Ang counter right straight ni Marquez ang nagpatulog kay Pacquiao na ayon kay Horn ay kaya rin niyang gawin kay ‘Pacman’.

Ang mga right-handed opponents na sina Chris Algieri at Jessie Vargas ay nagawang puruhan si Pacquiao.

Ngunit dahil sa kakula­ngan nila ng lakas ay hindi nila natalo ang General Santos City-based southpaw.

“Kung marunong yung right-handed na makipag­laban sa left-handed, tala­gang tatamaan at tatamaan ka lagi,” wika ni Fernandez.

Ang susi para talunin ni Pacquiao si Horn ay ang maunahan ang Australian sa pagsuntok.

“Tayo naman hindi tayo papayag eh. Unahan na natin sila bago pa lumapag yung kanila,” ani Fernandez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with