^

PSN Palaro

Magic guard at Thunder forward bibisita sa Pilipinas

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sina Orlando Magic guard Elfrid Payton at dating WNBA player Sue Wicks para dumalo sa Jr. NBA Philippines’ 2017 National Training Camp sa Don Bosco Technical Ins­titute sa Makati City sa Ma­yo 12 at 13 at sa SM Mall of Asia Music Hall sa Pa­say City sa Mayo 14.

Hindi lamang magdara­os ang 23-anyos na si Payton, ang 10th overall pick ng Philadelphia 76ers bago siya dinala sa Orlando,at si Wicks, naglaro para sa New York Liberty noong 1997-2002, ng clinics kundi ta­tayo ring coach sa taunang Jr. NBA Alumni All-Star Game.

“I’m excited to visit the Philippines for the first time and I can’t wait to get to the court and help them im­prove their game,” sabi ni Payton sa isang press statement.

Nagtala si Payton ng mga career averages na 10.8 points, 4.2 rebounds, 6.5 assists at 1.1 steals at naglista ng 12.8 points ngayong season para sa Magic na nabigong makapasok sa Playoffs.

Kinuha naman si Wicks bilang sixth overall pick ng Liberty mula sa Rutgers at naglaro sa WNBA All-Stars noong 2000 hanggang mahirang sa Women’s Basketball Hall of Fame noong 2013.

Samantala, sa kanya na­mang pagdating sa ban­sa ay kaagad magiging abala si Oklahoma City Thunder big man Enes Kanter.

Nakatakdang ilunsad ni Kanter ang isang charitable foundation na ipinangalan sa kanya sa hangaring tulu­ngan ang mga mahihirap na bata sa bansa.

Nakipagtambal ang 6-foot-11 Turkish center sa Fountain International School, isa sa mga Cambridge certified institutions, para sa pagtatatag ng “Enes Kanter Light Foun­da­tion” na nakatuon sa pag­bibigay ng tahanan, pag­kain at edukasyon sa mga batang mahihirap.

Ang White Cross Orphanage ang unang makakatanggap ng tulong ni Kanter kung saan siya ma­mamahagi ng mga re­galo.

Kinahapunan ay mag­tutungo si Kanter sa Greenhills West Clubhouse sa San Juan para ma­kipag-usap at makipag­laro ng exhibition game sa mga estudyante ng Fountain International School.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with