PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PSL tankers handa na sa Dubai meet

Nagpakuha ng larawan sina Philippine swimming League President (PSL) Susan Papa (dulo sa kanan) at PSL secretary-general Maria Susan Benasa (kaliwa) kasama ang mga swimmers na lalahok sa  Hamilton Aquatics Swimming Competition bago tumulak sa Dubai kamakalawa. Chris Co
 

MANILA, Philippines -  Handa nang sumabak sa matinding hamon  ang Philippine Swimming League (PSL) tankers sa paglaraga ng Primestar-PSL Motiva­tional Swim Meet sa Hamilton Aquatics Arena sa Dubai, United Arab Emirates.

Ibabandera ni veteran international campaigner Micaela Jasmine Mojdeh ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ang kampanya ng bansa sa paghakot ng medalya.

Sariwa pa si Mojdeh sa  paglangoy sa Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia kung saan kumubra ito ng walong ginto at umukit ng bagong Philippine junior record.

Sasandigan din ng PSL si Marc Bryan Dula sa paghakot ng medalya sa boys category.

Beterano ng international meets, inaasahang madodomina ni Dula, mag-aaral mula sa Weisenheimer Academy ang kanyang mga kalaban.

Huling lumangoy si Dula sa Japan Age-Group Swqmming Championship noong Marso at nagwagi  ito ng walong pilak at isang tanso.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 Mauuna munang pu­magitna sa arena ang mga bagitong swimmers sa Hamilton Swimming Championships na para lang  sa 10-years and under  ngayong araw.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: