PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Wizards lusot sa Hawks

MANILA, Philippines -  Sa Washington, sina­yang ng Wizards ang itina­yong double-digit lead, ngunit nakahabol sa final canto para agawin ang 109-101 panalo laban sa Atlanta Hawks at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang serye.

Kinuha ng Washington ang 53-43 kalamangan sa third period bago naagaw ng Atlanta ang seven-point lead.

Tumapos si John Wall na may 32 points at 9 assists, samantalang nagdagdag si Bradley Beal ng 31 points para banderahan ang Wizards.

Kumolekta naman si Paul Millsap ng 27 points at 10 rebounds sa panig ng Hawks kasunod ang 23 markers ni Dennis S­chroder.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: