PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao pa-Australia sa Linggo

MANILA, Philippines -  Nakatakdang lumipad patungong Australia si eight-division world boxing champion Manny Pacquiao upang i-promote ang kanyang laban kay Australian Jeff Horn na gaganapin sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Makakasama ni Pacquiao sina assistant trainer Haplas Fernandez at ang asawang si Jinkee kung saan aalis sa Linggo ang kanilang grupo.

Gaganapin ang press conference ng Pacquiao-Horn fight sa Miyerkules sa Suncorp Stadium.

Ito ang unang pagkaka­taong maghaharap sina Pacquiao at Horn.

Umaasa si promoter Dean Lonergan na aabot sa 55,000 ang mga ma­nonood sa venue kung saan target nitong malampasan ang 38,000 nanood nang talunin ni Azumah Nelson si Jeff Fenech sa Princes Park sa Melbourne noong 1992.

Nakatakdang simulan ang bentahan ng tiket sa Abril 26 kung saan may 6,000 general admission tickets na nagkakahalaga ng $39 habang ang 27,000 seats naman ay may pres­yong $100 o mas mababa pa. Aabot naman sa $495 ang presyo ng tiket sa corporate box.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos ang press launch, agad na magbabalik sa bansa si Pacquiao upang simulan ang kanyang pagsasanay para sa laban.

Pinayuhan si Pacquiao na huwag maging kam­pante laban kay Horn na inaasahang ibubuhos ang kanyang buong lakas upang maagaw ang World Boxing Organization welterweight belt ng una.

Ngayon pa lang, naghahanda na si Horn upang masiguro na nasa tamang kundisyon ito bago humarap sa Pinoy champion.

Target ni Horn na gayahin ang estratehiyang ginawa ni Mexican Juan Manuel Marquez nang patulugin nito si Pacquiao noong 2012.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: