PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Texters didikit sa quarterfinals

MANILA, Philippines -  Lalapit ang TNT Katropa sa ikalawang quarterfinals ticket, habang puntirya naman ng Globalport ang kanilang pangalawang dikit na panalo.

Lalabanan ng Tropang Texters ang Batang Pier ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Kasalukuyang sumasakay ang TNT Katropa sa isang four-game winning streak, ang huli ay nang talunin nila ang Mahindra, 86-84 noong Abril 9.

Sa nasabing panalo ay humakot si NBA veteran import Donte Greene ng 11 sa kanyang 24 points sa fourth quarter para pigilan ang pagdikit ng Phoenix.

Bukod kay Greene, muli ring aasahan ng Tropang Texters sina Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, Troy Rosario, Moala Tautuaa at rookie Roger Pogoy para sa pinupuntiryang pang-limang sunod na panalo at paglapit sa ikalawang quarterfinals seat.

Target naman ng Globalport ang kanilang pa­ngalawang dikit na panalo matapos gibain ang NLEX, 85-82 noong Abril 12 para wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa unang laro, mag-uunahan sa pagbawi sa kanilang porma ang Alaska at Phoenix sa ha­nga­ring mapalakas ang tsansa sa eight-team quarterfinals cast.

Nagmula ang Aces sa 91-99 pagyukod sa quarterfinalist na Meralco Bolts noong Abril 9, samantalang nalasap ng Fuel Masters ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan nang yumukod sa nagdedepensang Rain or Shine Elasto Painters.

Sinabi ni Alaska coach Alex Compton na hindi sila nagkukumpiyansa sa pagharap sa Phoenix ni mentor Atiel Vanguardia.

“Phoenix is a better team than their record indicates,” wika ni Compton. “I thought they were excellent for the most of the Rain or Shine game, and Rain or Shine just had a great rally at the end.”

Itatapat ng Aces si import Cory Jefferson kay Fuel Masters reinforcement Jameel McKay at sasandigan din sina Calvin Abueva, Sonny Thoss, Jayvee Casio at Kevin Racal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: