PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Triple-double ni Westbrook lusaw kay Harden

 Tinangkang supalpalin ni Taj Gibson ng Thunder si James Harden ng Rockets.
 

Rockets lumayo na sa Thunder

HOUSTON--Kumamada ang Rockets sa final canto para patumbahin ang Oklahoma City, 115-111 sa Game Two ng kanilang Western Confe­rence first round playoff series.

Kumolekta si James Harden ng 35 points at 8 assists, habang nagbigay naman ng kanilang kontribusyon sina reserves Eric Gordon at Lou Williams para sa pagbangon ng Houston mula sa 14-point deficit at resbakan ang Oklahoma City.

Walong players lamang ang ginamit ng Rockets ngunit nagawang makuha ang 2-0 abante sa kanilang best-of-seven series ng Thunder.

Nagdagdag si Gordon ng 22 mula sa 8 of 14 shoo-ting at tumipa si Williams ng 8 for 14 clip at tumapos na may 21 points, habang may 12 markers si Patrick Beverley para sa Houston, dadayo sa Oklahoma City para sa Game  3  sa Linggo.

Nawalan ng saysay ang kinamadang 51 puntos ni Russell Westbrook bukod pa ang 13 assist at 10 re­bounds para sa kanyang ika-43 triple-double ng hindi niya nadala sa panalo ang Thunder.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: