^

Punto Mo

Krema (169)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI maaaring magkamali si Krema na ang nakitang lalaki sa labas ng bahay ay ang lalaki ring nakita niya sa mall noong namamasyal sila ni Lex. Natunton ang tirahan nila. Masama na ito. Kailangang malaman ito ni Lex.

Nagmamadaling tinawag ni Krema si Lex na noon ay may ginagawa sa laptop sa salas. Iniisa-isa na ni Lex ang mga taong pinadalhan nila ng imbitasyon para sa kanilang nalalapit na kasal at baka mayroon pang nalimutan.

“Lex! Lex!’’

Nagulat si Lex.

“Bakit, Krema?’’

“Halika Lex. Yung lala-king nakita ko sa mall nasa labas ng bahay at mukhang tayo ang hinahanap!’’

Biglang tumayo si Lex    at nagtungo sa may bintana at tiningnan ang lalaking sinasabi ni Krema.

“Nasaan?’’

“Ayun siya! Yung nasa may tindahan. Parang may hinahanap dahil palinga-linga.’’

“Sigurado kang yun ang lalaki?’’

“Oo! Hindi ako maaa-ring magkamali! Siya yun Lex.’’

Nagmamadaling kumilos si Lex.

“Saan ka pupunta Lex?”

“Hahabulin ko ang la-laki! Kailangang malaman ko kung bakit niya tayo sinusundan.’’

“Sasama ako Lex.’’

“Dalhin mo ang arnis!’’

Mabilis na kinuha ni Krema ang kanilang arnis. Dinala nila ang mga ito noong lumuwas sila.

Mabilis silang bumaba at lumabas ng bahay.

Natanaw nila ang lalaki na palinga-linga pa rin na parang may hinahanap.

“Hoy!” Tawag ni Lex.

Tumakbo ang lalaki.

(Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with