^

Police Metro

3 Cafgu utas, 11 sugatan sa Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong miyembro ng Cafgu habang 11 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan nang makasagupa ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon ng umaga sa Brgy. Cabcaban, Su­misip, Basilan.

Hindi muna pinangalanan ang tatlong nasawing Cafgu habang ang 11 sugatan kabilang ang anim na sundalo at limang Cafgu ay isinugod sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City para malapatan ng lunas.

Ayon kay Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command bago naitala ang bakbakan sa pagitan ng mga bandido at 4th Special Forces Battalion (SFB)  bandang alas -7:15  ng umaga sa nasabing lugar ay kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 4th Special Forces Company (SFC) sa ilalim ng  Joint Task Force Basilan sa lugar nang makasagupa ang mga bandido.

Nagsagawa naman ng reinforcement ang 1st Special Forces Company (SFC)  at pinaulanan ng  grenade launcher ng mga bandido at posibleng nagtamo rin ng malaking bilang ng mga nalagas at nasugatan ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) batay sa nakitang mga patak ng dugo sa lugar ng bakbakan.

vuukle comment

CAFGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with