^

Police Metro

3 motor inararo ng trak: 7 patay, 4 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inararo ng isang trak ang kasalubong nitong tatlong motorsiklo na ikinasawi ng pitong katao kabilang ang tatlong paslit at grabeng pagkasugat ng apat na iba pa naganap sa kahabaan ng Cugman National Highway, Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kenneth Abrio, 10; Sophina Abrio, 5; Stephanie Abrio,7; Ronnie Abrio, 46; Mae Bonior, 17 ; Vanessa Tadlas, 29  at Vevine Nacaya, 23.

Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang  mga nasugatang sina Kristel Anne Moldez, 30; Runie Llubia, 44; Kent Felicilda, 27 at Kurt Buhawe Angel, 22.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, Spokesman ng Northern Mindanao Regional Police, bago naitala ang sakuna sa nabanggit na highway  bandang alas-9:00 ng gabi ay kasalukuyang mabilis na bumabagtas sa kahabaan ng nasawing highway ang Mitsubishi 6 wheeler truck (YDY- 562) nang  masalpok nito  ang kasalubong na Yamaha RS 110 at pagkatapos ay nabangga pa ang dalawang motorsiklo na ikinasawi noon din ng pitong katao.

Ang driver ng trak ay kinilalang si Freddie Talisayan habang nagulpe ang helper nitong si Felix Talisayan na kapwa kinasuhan ng multiple homicie at 4 counts of frustrated homicide.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing umano ang driver na nagpumilit na imaneho ang truck kasama ang kinakapatid nito na nagbunsod sa trahedya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with