Maging handa sa kalamidad-digong
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayan na palaging maging handa sa pagtama ng kalamidad tulad nang sunud-sunod na lindol na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ginawa ng Pangulo ang panawagan matapos tiyakin na tinutulungan ng gobyerno ang mga naapektuhan ng lindol sa Batangas noong Abril 8.
Sinabi ng Pangulo na bagaman at may mga gumuhong pader ng mga bahay, gusali at nakapagtla rin ng landslide sa nangyaring lindol sa Batangas, wala lamang naiulat na namatay.
“ Itong… Our people in Batangas is still reeling from the damage brought by the recent earthquake and reported incidents of collapsed walls of residential houses and buildings and landslide. We are however relieved that no deaths have been reported despite the reported number of aftershocks,” pahayag ng Pangulo.
Bagaman at tinitingnan pa rin umano ng provincial government ang pinsala ng lindol, ipinag-utos na ng Pangulo sa mga national agencies na bilisan ang pagbibigay ng tulong para mapabilis ang rehabilitasyon.
- Latest