^

Probinsiya

Trak bumaliktad: 1 dedo, 15 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Semana Santa ang 27-anyos na guro habang 15 naman ang nasugatan makaraang bumaliktad ang kanilang sinasakyang dumptruck sa Barangay Victoria, bayan ng Aglipay, Quirino noong Sabado. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Janice Pumading ng Cordon, Isabela habang ang mga sugatan ay isinugod sa Aglipay District Hospital. Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Dennis Umali sa pabulusok na bahagi ng kalsada kaya ito bumaliktad.? Nabatid na ang mga biktima ay dumalo sa kasalan bago naganap ang trahedya. ?Noong nakaraang Sabado, dalawa ang namatay habang 17 nasugatan makaraang bumaliktad din ang kanilang van sa bayan ng San Mateo habang papunta ito sa kasalan sa bayan ng Roxas, Isabela.

vuukle comment

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with