^

PSN Showbiz

Loisa may pasabog ngayong ganap nang dalaga!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Malayo na ang narating ng reality TV star at teen idol na si Loisa Andalio. Mula sa pagiging housemate sa Pinoy Big Brother, isa na siya sa inaabangang concert performer ngayon dahil sa kanyang unang solo concert na magaganap sa Music Museum sa April 29.

Handog ng Star Events, ang Loi­sa18: A Birthday Concert ay isang sorpresang regalo sa sinasabing “multi-talented millennial teen star” ngayon at isa ring mala­king milestone sa kanyang karera kasabay ng pagdiriwang ng kanyang debut ngayong April 21.

“Nagulat ako. ‘Di ko ine-expect na bibigyan ako ng concert sa special day ko. Ang gusto ko lang simpleng celebration lang, kakain lang sa labas, pero ito binigyan ako ng Star Music at Star Events ng ganitong opportunity na magkakaroon po ako ng debut concert sa espesyal na araw ko,” pagbabahagi ni Loisa.

Makakasama niya sa nasabing concert ang kanyang paborito at hinaha­ngaang singer, ang special guest na si Yeng Constantino.

Ang pinakainaabangang show na ito ay kasunod ng paglabas ng unang single at music video ni Loisa mula sa Star Music, ang awiting High School, isang revival song na unang pinasikat ni Sharon Cuneta noong 1980s at kasama sa lineup ng kanyang aawitin sa concert.

Unang nakilala ang singer-actress sa Pinoy Big Brother: All In noong 2014. Mula noon ay naging bahagi na siya ng ilang sumikat na programa tulad ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, Be My Lady, Wansapanataym: My Hair Lady, at My Dear Heart.

Bukod sa kanyang pag-arte, unti-unti nang nakikilala si Loisa bilang isang performer. Naging kabilang siya ng grupong GirlTrends ng It’s Showtime. Ngayon ay isa na siyang miyembro ng BFF5 ng ASAP kasama sina Maris Racal, Kira Balinger, Ylona Garcia, at Andrea Brillantes. Bago siya sumali sa PBB, bahagi rin siya ng isang sing and dance group na 3G.

Noong nakaraang taon, kasama si Loisa sa digital concert na iprinodyus ng One Music PH, ang Double Hearts kasama sina Maris, Sue Ramirez, at Kristel Fulgar. Ngayon, excited siya na ipakita ang kanyang galing sa pag-awit ng live sa kanyang sariling concert.

Ang tickets sa Loisa18 Concert ay nagkakahalagang P2,500.00 (VIP), P2,000.00 (lodge), at P1,000.00 (balcony). Maaaring bumisita sa ticketworld.com.ph, tumawag sa Ticketworld sa 891-9999 o sa Music Museum sa 721-0635 at 721-6726.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with