^

PSN Showbiz

Vice Ganda gustong gawing lalaki ng batang contestant!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Humingi ng paumanhin si Sharon Cuneta sa fans na umasa na matutuloy ang reunion movie nila ni Gabby Concepcion sa Star Cinema. May ibang pelikula na gagawin si Sharon para sa movie oufit ng ABS-CBN.

SCENE: Ang magpakalalaki si Vice Ganda ang birthday wish ng young female contestant sa episode kahapon ng Tawag ng Tanghalan Kids ng It’s Showtime. Naloka si Vice Ganda nang marinig ang birthday wish ng bata.

SEEN: Mga direktor ang contestants ngayon sa Jackpot En Poy ng Eat Bulaga, sina Gina Alajar, Joyce Bernal, at Joel Lamangan.

SCENE: Ang Pusong Ligaw na mag-uumpisa sa April 24 ang ipapalit ng ABS-CBN sa The Greatest Love na magwawakas sa April 21. Mga bida sa Pusong Ligaw sina Diego Loyzaga, Sofia Andres, Beauty Gonzales, at Enzo Pineda.

SEEN: Matapos magbida sa mga teleserye ng GMA-7 at TV5, balik-ABS-CBN si Bianca King na mapapanood sa Pusong Ligaw.

SCENE: Ang 32nd birthday dinner ni KC Concepcion, kasama ang boyfriend na si Aly Borromeo at ang kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Senator Francis Pangilinan. Kahapon, April 7, ang kaarawan ni KC.

SEEN: Nagdiwang kahapon si Ormoc City Mayor Richard Gomez ng 51st birthday. Ito ang unang kaarawan ni Richard bilang alkalde ng Ormoc City.

SCENE: Ang Boyband.ph at ang young female stars ng Kapamilya Network ang kumanta ng Ikaw ang Sunshine Ko, ang theme song ng 2017 summer station ID ng ABS-CBN.

SEEN: Featured guests ngayong gabi sa Full House Tonight ng GMA-7 sina Andrew E., Katrina Halili, Chynna Ortaleza, Teri Onor, at Angelu de Leon. Bubuhayin ni Andrew E. sa musical variety show ni Regine Velasquez ang kanyang monster hit song na Humanap Ka ng Panget.

 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with