^

Probinsiya

Buntis na misis, inaway ni mister nagbigti

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines  - Isang 19-anyos na misis na umano’y dalawang buwang buntis ang nasawi makaraang magpatiwakal sa kanilang mismong tahanan sa Purok 4, Brgy. Camutan, Antipas, North Cotabato kahapon. Kinilala ni Sr. Insp. Rolando Dillera Jr., hepe ng Antipas Police ang biktima na si Manilyn Negres, 19-anyos, ng nabanggit na lugar. Ayon sa report, naabutan na lamang ang biktima ng kanyang pamil­ya na nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto. Posibleng nagpakamatay umano ang biktima dahil sa kanilang pala­ging pag-aaway na mag-asawa. Base sa salaysay ng mga kapitbahay at pamilya nito, parati na lang lasing ang asawa ni Manilyn dahilan ng kanilang pagtatalo. Kinumpirma rin ni Brgy. Camutan Chairman Nonoy Villarosa ang insidente kung saan nagsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon kung may foul play sa pangyayari.

vuukle comment

MANILYN NEGRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with