^

Probinsiya

Tserman itinumba sa graduation

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, QUEZON, Philippines  - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng motorcycle riding criminals ang kapitan ng Barangay Castanas ng bayang ito habang ang biktima ay dumadalo sa graduation, kahapon ng tanghali. Kinilala ni Quezon Police Director Sr. Supt. Roderick Armamento ang biktima na si Victorio Luna, may sapat na edad, may asawa at residente ng nasabing barangay. Sa ulat, katatapos lamang bumaba ng biktima sa stage ng Castanas National High School matapos na magbigay ng pananalita sa mga estudyante sa kasagsagan ng graduation rites nang lapitan ng dalawang hindi nakikilalang lalaki. Nang medyo makalayo sa mga nakaupong estudyante ay pinagbabaril ng mga suspek ang kapitan at saka sila tumakas sakay ng isang motorsiklo patungo sa Eco-Tourism Road. Personal na pinangangasiwaan ni PD Armamento ang imbestigasyon sa crime scene upang mabatid ang motibo at makilala ang mga salarin.

vuukle comment

VICTORIO LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with