^

Pang Movies

Maine pumasan sa balikat ni Alden sa concert!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Thanks sa social media, para na rin ka­ming nakapanood sa napakamahal na concert ng Coldplay band last April 4. Sa social media rin kami nakakuha ng first hand report mula sa mga nanood.

Kanya-kanyang post ang ilang artistang nanood gaya ng mag-asawang Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera, Gabby Eigenmann, sina Paolo Contis at LJ Reyes na nasa VIP section. 

Even our editor, Ms. Salve Asis, ay nag-post ng magandang stage ng MOA Concert ground at ilang numbers na kinanta ng Coldplay. 

Maaga pa ay may nag-tweet na sa amin na papasok daw ng concert venue sa MOA ang British group na nakasakay sa isang mahabang jeepney. May kasama itong video at nandoon nga at bonus pa na kasunod nilang pumasok.

Nasa VIP din sina Alden Richards at Maine Mendoza kasama sina Direk Pat at Oreo ng Eat Bulaga. Si Maine ay nag-post pa na ang outfit daw niyang suot ay ang outfit ding suot niya nang una siyang manood ng Coldplay concert sa Los Angeles, California last year. Masaya na ang AlDub Nation (ADN) nang makita nilang totoong magkasamang nanonood ang mga idolo (bibis) nila. Nag-time-out talaga sina Alden at Maine sa taping nila ng Destined To Be Yours, lalo na si Maine dahil fan na fan siya ng Coldplay at ng soloist nitong si Chris Martin.

Nalubos ang kasiyahan ng AlDub Nation nang simulan na ang full-packed concert at kantahin ang top hit nilang Yellow at nagtayuan nang lahat ng audience at nakisabay sa pagkanta. At si Maine, para makakita nang husto ay pinasan ni Alden sa shoulders at sabay silang sumayaw at kumanta ng paborito nilang song na madalas nilang kantahin sa Eat Bulaga.

Ang nakakatawa, sa Instagram post habang pasan ni Alden si Maine ang pinapanood ng ibang tao ay ang dalawa imbes na ang Coldplay na nagku-concert. At heto ang ilang IG comments:

“Ang sarap ninyong panoorin na ganito kasaya, RJ & Maine.” 

“We wish you both love and happiness always.”

“Never lose those smiles on your faces.”

Kitang-kita kasi ang kasiyahan ni Maine na muling napanood ang Coldplay dito naman sa a­ting bansa. Noong finale song nagpalabas sila ng mga beach balloons at kitang-kita na inaabangan ni Alden ang bawat balloon na bumababa na hindi tatama sa mukha ni Maine para lalo nitong ma-enjoy ang pagsabay nito sa pagkanta. Iyon lang, nahirapan sa paglabas sina Alden at Maine dahil dinumog na sila ng fans. But secured naman si Maine sa pag-alalay ni Alden.

Ivan ayaw ng fans para kay Barbie

Rapunzel na ang tawag ni Keempee de Leon, ang gumaganap na ama ni Barbie Forteza as Billie, sa anak. Paano nga, nalaman na ni Billie na pare-pareho pala siyang love ng former bosses niya sa kanilang bar, sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, at Addy Raj. Malaking problema iyon ni Billie, pero ang fans ayaw pumayag na kay Ivan mapunta si Barbie sa ending ng rom-com series nilang Meant To Be.

Pero paano iyan, mukhang panalo si Ethan (Ivan) on and off camera? Si Ethan kasi ay crush na sa simula pa lamang ni Billie dahil mabait at gentleman ito. Off-camera naman si Barbie, kapag tinanong mo kung totoong nanliligaw sa kanya si Ivan, ang sagot niya: “siya po ang tanungin ninyo.” 

Anyways mukhang magtatagal pa ang story ni Billie at ng four guys sa buhay niya na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Destined To Be Yours.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with