^

Pang Movies

Anak nina Dingdong at Jessa sa ibang bansa mag-aaral ng music

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Look, Salve A., kung sinong anak ng dalawang singer ang gusto ring maging singer, pero ‘di lang dito sa atin, kung hindi internatio­nally.

Well, walang iba kundi ang anak nina Dingdong Avanzano at Jessa Zaragosa na si Jayda.

Only 13 years old, Jayda’s the couple’s only child. She sings as beautifully as both her Mom and Dad. She has, likewise, the best features of her Mom and Dad.

Dream ni Jayda to study music sa Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts, USA. No need to tell you/us that her parents can well afford to have her study there.

Isang prominent musical composer at director na alam naming nag-aral din sa Berklee College of Music ay si Louie Ocampo.

Si Louie na nagpasikat ng kantang Kahit Isang Saglit, ay isa sa mga hurado sa segment na Tawag Ng Tanghalan (TNT) Kids ng It’s Showtime.

Elha nangunguna sa Your Face…

Who will win, Salve A., among the eight kid contestants in the soon-to-end reality show, Your Face Sounds Familiar Kids, is still anybody’s guess.

In any case, kilalanin natin sila:

AC, 13 years old, Andrea Camille Bonifacio in real life.

Matangkad si AC para sa kanyang edad at dalagang-dalaga na ang dating at kilos niya.

Before Your Face… naging contestant muna si AC ng Dance Kids bilang part ng Lucky Aces.

Katu-turn 13 pa lamang si Elha Nympha, kilala bilang Grand Champ ng The Voice Kids Season 2. Si Bamboo ang voice coach ni Elha na proud na proud sa kanya.

She is the highest scorer sa mga contestant, based sa points na bigay ng mga judge ng YFSF na sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.

Ganun pa man, kailangan din ang boto ng mga viewer via text para tanghaling champ ang kanilang mga pambato.

Isa pa sa contestant ay si Lyca Gairanod na 12 years old at grand winner din ng The Voice Kids. ‘Di hamak na nauna si Lyca na winner ng nabanggit na contest kesa kay Elha.

Twelve years old din si Sam Shoaf, who can play both the piano and guitar na parang professional. Host si Sam sa Team Yey na isang TV show na pambata.

Twelve years old din si Awra Briguela na mainstay ng top series na FPJ’s Ang Probinsyano. Paborito siya ni Vice Ganda na nakasama na niya sa pelikulang The Super Parental Guardians.

Thirteen years old naman si Justin Alva, who finally emerged a weekly winner last time.

Justin was third runner-up in The Voice Kids Season 3.

Xia Vigor and Alonzo Muhlach are both seven years old. Sila rin ang dalawa sa most familiar faces sa tele­viewers dahil madalas silang napanood sa small screen, kumbaga.

Naka-appear na sa ilang TV shows si Alonzo samantalang napapanood tuwing hapon si Xia sa teleseryang, Langit Lupa.

Well, good luck sa mga batang ito.

Rocco at Lovi may kanya-kanya nang lovelife

Magandang nakapag-usap na finally sina Rocco Nacino at Lovi Poe. At least nga naman, masasabing nagkaroon ng formal closure ang kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon, may reportedly kani-kanila na silang bagong pag-ibig.

Hindi na inililihim ni Lovi na may bago na si­yang karelasyon sa katauhan ng foreigner na si Chris Johnson.

Kamakailan lang ay nagbakasyon pa sila sa Thailand and in other Asia’s neighboring countries as well.

Nali-link naman ngayon si Rocco kay Sanya Lopez.

vuukle comment

DINGDONG AVANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with