^

Pang Movies

Ate Vi naalarma sa lindol

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

“Nagpaikot nga agad ako ng tao sa mga barangay noong malaman kong sa Tingloy iyong sinasabing epicenter. Tinawagan ko talaga ang mga tao kasi gabi na rin naman iyon. Natawa na nga lang ako kasi sabi noong isang tao ko, ‘ma’am congresswoman na po kayo. Trabaho na po iyan ng governor’. Pero alam naman mo naman nagme-maintain pa rin tayo ng assistance sa mga tao kahit na on our own na iyon. Personal na iyon so ipina-check ko pa rin.

“Congresswoman ako sa Lipa, pero siyam na taon akong governor ng Batangas. Pinagkatiwalaan ako ng mga tao roon ng ganoon katagal, kaya dapat lang ipakita ko pa rin sa kanila ang concern ko,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos nang matanong tungkol sa lindol noong isang gabi.

Pero sabi nga ni Ate Vi, hindi naman siya natakot talaga sa lindol, “kabisado ko na ang Batangas eh, and I figured sa ganoong lakas ng lindol wala namang tsunami. Medyo naalarma lang ako noong marinig ko na may kampana na bumagsak, at saka iyong sinasabi nilang may mga bumagsak na bato sa Basilica sa Taal. Cultural heritage iyan eh, talagang protected na iyan being one of the oldest churches at sinasabi nga pinakamalaki sa buong Asya. Tapos nandiyan iyong Virgin ng Caysasay. Historical eh, sayang kung may mangyaring hindi maganda. At saka iyong hospital na nagkaroon daw ng mga crack,” sabi pa ni Ate Vi.

Pero natahimik naman si Ate Vi kinabukasan nang malaman niyang ayos naman pala lahat ng nangyari, although nagpa-stand by pa rin daw siya ng tao para kung sakali makatulong agad. Nasabi rin niya na siya mismo mag-iikot, after all, in recess naman ang kongreso ngayon.

Pero ang malungkot lang, mukhang wala pang balak na gumawa ng pelikula ulit si Ate Vi.

“Hindi pa ako kampante sa bago kong trabaho sa house, makakapaghintay naman iyang mga projects. Naiintindihan din naman ako ng mga Vilmanians. Iyong mga tao naman, siguro any time na magbalik ako nandiyan pa rin sila para manood ng mga pelikula ko. Mas confident ako bilang isang artista kaysa bilang isang congresswoman,” ang sabi pa ni Ate Vi.

Zoren umekstra sa Encantadia

Mas dumami pa ang mga artista sa pinapanood naming Encantadia. Si Zoren Legaspi na ngayon si Emre, iyong bathala na pinagtulungan ng mga kalaban niya para patalsikin sa Devas. Guest lang naman daw si Zoren, ibig sabihin hindi naman siya tatagal sa show kung ‘di sandali lang ang portrayal niya.

Pero nagsabi sa amin na ang una raw lumabas na Emre ay iyong model na ang pangalan ay Rey Talosig. Hindi namin siya kilala pero sabi ng nag-e mail at nagpadala pa ng picture, pogi din naman siya. May hitsura nga, at sinasabi niya sana iyon na lang din ang pinalabas na Emre, nakapagbigay pa sana ng break sa isang baguhan. Lumabas na rin daw noong araw iyan sa ABS-CBN.

Wala tayong pakialam kung gusto nila ang bigger stars para sa kanilang serye, pero sayang nga naman ang pagkakataon na makatulong sana sa isang baguhan.

Aktor na sabaw ang akting,  naaktuhang nagwawala sa isang bar!

Panay ang sigaw at mukha talagang walwal na walwal na raw ang isang male star na sabaw ang acting, sabi ng isa naming source. Nakita daw niya iyon sa isang watering hole/bar sa Taguig. Nagulat kami sa kuwento dahil ang akala namin nagbago na iyan.

“Nagbago na nga, mas walwal pa ngayon,” sabi pa ng aming source.

vuukle comment

ENCANTADIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with