^

Pang Movies

Aktor na iisa ang akting laglag na ka-partner ng sikat na aktres

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Laglag ang pangalan ng isang magaling na aktor sa leading men na pinagpipiliang maging kapareha ng isang sikat na aktres sa gagawin niyang movie.

Napansin kasi ng director na hindi na nagbago ang akting ng aktor, huh!

Premyado naman siya pero ‘yon at ‘yon din ang klase ng akting niya. Kumbaga, one-dimensional pa rin mula noon hanggang ngayon.

Alam ng director ang akting ng aktor dahil ilang beses na niya itong naidirek. Kaya nang i-suggest ang name niyang maging kapareha ng sikat na leading lady, agad niya itong binaril, huh!

Maraming artista nagkanya-kanya ng drama sa concert ng Coldplay

Lumikha ng matinding traffic ang nakaraang concert ng British rock band na Coldplay last Tuesday na ginanap sa SM MOA Concert Grounds. Ang estimated crowd ng nanood ay umabot sa 35,000, huh!

Kanya-kanyang paandar ang ilang local celebrities na nanonood ng concert.

Splendor in the grass ang caption ni Anne Curtis na nakatingala sa lead vocalist ng grupo na si Chris Martin na feeling niya eh nakatingin sa kanya habang kumakanta. “On the brink of tears. First time to see them LIVE,” bahagi ng caption ni Anne. Pinost pa niya ang ilang bahagi ng kanta ng Coldplay, huh!

Nakisabay naman si Derrick Monasterio with matching indak sa video na pinost niya.

May picture naman si Maine Mendoza na nakapatong sa balikat ni Alden Richards na nakikisabay sa kantahan.

Magkasama naman sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Paolo Contis, at LJ Reyes sa groupie nila habang waiting kay Chris. Larawan naman ng kaligayahan ang post ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Ilan sa spotted celebs sa Coldplay Manila concert ay sina Ruru Madrid, Mikee Quintos, Ella Cruz and Salve A.! Ha! Ha! Ha! (Hahaha. Grabe naman Tito)

Buti na lang, hindi nila naramdaman ang lindol nu’ng gabi, huh!

Gabbi atat maging piloto

Piloto pala ang ambisyon ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia. May mga kamag-anak kasi siyang pasok sa larangan na ‘yon.

Flight attendant ang kanyang ina habang may isa siyang tiyuhin na piloto.

Kaya naman ngayong artista na siya, hindi pa rin niya makalimutan ang pangarap niyang  ito. Buti na lang, napansin siya ng isang international brand ng isang hair product at ginawang regional ambassador pa nito.

Eh maganda rin ang boses ni Gabbi at marunong siyang maggitara, malay natin, maging daan din ito upang makabiyahe siya sa iba’t ibang panig ng mundo, huh!

vuukle comment

COLDPLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with