PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinoy cagers wagi sa Hong Kong

MANILA, Philippines -  Pinataob ng Alab Pilipinas ang nangungunang Hong Kong Eastern, 82-75 panalo upang masiguro ang No. 3 seed s a ASEAN Basketball League na dumayo sa USEP Gym sa Davao City.

Bumandera sa ratsada ng Alab Pilipinas si Sampson Carter na tumipa ng 20 puntos habang nakatulong nito si Robby Celiz na nagpasabog naman ng 17 puntos para makuha ng Pinoy squad ang ikasiyam na panalo.

Ang panalo rin ang pumutol sa three-game losing skid ng Alab Pilipinas.

Malaking tulong din para sa Pinoy cagers ang desisyon ng Hong Kong na ipahinga si NBA player Josh Boone.

Pinuri ni Alab Pilipinas coach Mac Cuan ang magandang simula ng kanyang bataan na siyang naging matatag na pundasyon ng tropa upang makuha ang panalo.

“I'm just happy we didn’t start flat and we competed right from  the start regardless of the Boone situation. Also loved the effort and even saw players diving on the floor. Great win to get our minds right for the playoffs and start preparing for it,” ani Cuan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Wala nang saysay ang magiging resulta ng laro ng Alab Pilipinas laban sa Kaohsiung Truth-Chinese Taipei ngayong Martes na gaganapin sa Kaoh­siung Municipal Senior High School sa Taipei, Taiwan.

Makakalaban ng Alab Pilipinas ang Singapore Slingers sa best-of-three semis.

Nakuha ng Slingers ang No. 2 spot hawak ang 12-7 baraha.

“I think we are in their head and trying to avoid us in the semis, they've let Saigon beat them their last two games by not playing two of their top players in the last two games,” dagdag ni Cuan.

Magtutuos naman ang top seed Hong Kong (15-4) at No. 4 Saigon Heat (8-10) sa hiwalay na best-of-three semis match. (CCo)

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: