PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

4 teams unahang lumapit sa finals

MANILA, Philippines -  Mag-uunahan ang apat na koponan na makalapit sa finals slot sa paglarga ngayong hapon ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinal series sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Magtutuos ang top seed Cignal-San Beda at Tanduay sa alas-5 habang magkukrus naman ang landas ng second pick Racal at Café France sa unang laro sa alas-3 sa Game 1 ng kani-kanilang serye.

Umusad sa Final Four ang Rhum Masters at Ba­kers matapos mabilis na dispatsahin ang kanilang karibal sa quarterfinals.

Itinungga ng Tanduay ang 80-76 panalo laban sa AMA Online Education kung saan nanguna si dating NCAA Finals MVP Mark Cruz na kumampay ng 23 puntos, anim na rebounds at limang assists.

Nakatuwang ng Letran standout si Jerwin Gaco na bumira ng 16 markers at humatak ng walong boards para sa Rhum Masters.

Kaya naman mataas ang morale ng Tanduay na harapin ang Cignal-San Beda sa semis.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Alam ni Rhum Masters coach Lawrence Chongson na matinding pagsubok ang kanilang haharapin bago maabot ang inaasam na tiket sa finals dahil ibang lebel ang inilalaro ng Hawkeyes.

Awtomatikong umusad sa semis ang Cignal-San Beda matapos manguna sa pagtatapos ng eliminasyon.

“It’s very important for us to win Game 1 and take control of the series. Facing Tanduay in the semis is a tough matchup for us. We just have to be ready and prepared for them. We’d rather look at it at a game-to-game basis and not mind the streak,” sambit ni six-time D-League champion coach Boyet Fernandez.

Kukuha ng lakas ang Hawkeyes kina Jason Perkins, Robert Bolick at Javee Mocon.

Sa kabilang banda, mabilis ding tinusta ng Cafe France ang Jose Rizal University sa quarterfinals sa pamamagitan ng 86-75 panalo sa likod ng impresibong laro nina Paul Desi­derio, Rob Ebondo, Joseph Sedurifa at JK Casino.

Bida si Desiderio na humakot ng 16 puntos tampok ang tatlong three-pointers kasama pa ang apat na rebounds at dalawang assists samantalang may double-double na 16 markers, 11 boards at tatlong blocks si Ebondo.

Parehong nagtala ng 15 puntos sina Sedurifa at Casino para bigyan ng sapat na suporta ang kanilang tropa.

“Hirap talaga kami sa zone. We have to make our jump shots so we can also get the pressure off of (Rod) Ebondo in the paint. Kailangan namin ma­ging consistent,” sambit ni Café France coach Egay Macaraya.

Nais ni Macaraya na madala ang momento sa semis dahil makakasagupa ng kanyang bataan ang Tile Masters na gaya ng Hawkeyes ay awtomatikong umabante sa semis matapos pumangalawa sa eliminasyon.

“It’s a big advantage if we win Game 1. We will just be ready and give it our best shot,” ani Racal mentor coach Jerry Codiñera  na aasahan sina Sidney Onwubere, Jackson Corpuz at Kent Salado. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: