PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

La Salle dumikit sa semis

MANILA, Philippines - Naibaon ng nagdedepensang La Salle ang matamis na 27-25, 25-11, 25-17 pagresbak sa University of the Philippines upang makalapit sa inaasam na Final Four slot sa UAAP Season 79 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Balanseng atake ang inilabas ng Lady Spikers sa pangunguna ni middle blocker Mary Joy Baron na bumira ng pitong attacks, anim na aces at tatlong blocks samantalang may tig-11 sina Kim Dy, Tin Tiamzon at Desiree Cheng.

“Maganda ang receive namin ngayon. Naka-block din kami at service kaya siguro naging madali. Yung sistemang ibinibigay ni coach Ramil sa team ginagawa lang namin. Ina-apply lang namin sa game,” pahayag ni Baron.

Napatatag ng Lady Spikers ang kapit sa No. 2 (8-2) sa likod ng Ateneo na may 9-1 kartada.

Bumagsak naman sa 5-5 ang Lady Maroons na humugot ng 12 puntos mula kay Isa Molde at 11 galing kay Diana Carlos.

Sa unang laro, pinagpawisan muna ang Natio­nal University bago itakas ang 25-15, 25-21, 22-25, 25-21 panalo laban sa University of the East  upang sumalo sa ikatlong puwesto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mabagsik si MVP candidate Jaja Santiago nang humataw ito ng 23 puntos mula sa 20 attacks at tatlong blocks habang tunay na maasahan si Jorelle Singh na nagrehistro ng 17 puntos buhat naman sa 15 kills at dalawang aces.

Nakatulong din si Risa Sato na may 10 puntos at sina Aiko Urdas at Jasmine Nabor na nagdagdag ng tig-walong puntos para sa Lady Bulldogs.

Makakasama ng NU sa No. 3 spot ang University of Santo Tomas tangan ang parehong 6-4 baraha.

Lumasap naman ng ikasiyam na kabiguan ang Lady Warriors sa 10 laro.

Gumawa ng pinagsamang 26 puntos sina Shaya Adorador at Judith Abil subalit hindi ito sapat upang dalhin ang UE sa panalo.

Sa katunayan, may 13 aces ang Red Warriors na isa sa dahilan upang ma­kagawa ang Lady Bulldogs ng 37 errors.

Subalit nakabawi ang NU sa net defense taglay ang 12 blocks at sa attack line bitbit ang 51 hits laban sa 31 spikes lamang ng UE.

Sa men’s division, nasiguro ng NU ang Final Four slot matapos paamuhin ang Far Eastern University, 25-21, 25-23, 26-24.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: