PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Denzel Bowles pinauwi na ng TNT

MANILA, Philippines – Hindi na makakabawi pa si dating best import Denzel Bowles sa kaniyang dating koponan matapos siyang pauwiin ng TNT Katropa ngayong Huwebes.

Kinupirma ng Katropa head coach Nash Racela na binitawan na nila si Bowles para sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa hindi ipinaalam na dahilan.

Inaabangan ang sagupaan ng TNT at Star Hotshots dahil sa mga tirada ni Bowles sa dati niyang coach Jason Webb.

Matapos madala sa kampeonato ang Hotshots ay nadungisan ang relasyon ni Bowles sa dating koponan nang hindi na siya pinabalik at pinalitan ng ibang import.

Samantala, may isang linggo pa naman si Racela upang makahanap ng kapalit ni Bowles bago masimula ang panibagong conference sa susunod na Biyernes.

Makakabangga ng Katropa ang sister team nilang Meralco sa Araneta Coliseum.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: