^

PSN Showbiz

Inigo broke my Heart – Sofia

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Inamin ni Sofia Andres na kahit nakikita silang madalas na magkasama ni Die­go Loyzaga at very obvious na masaya sila palagi ay hindi pa sila matatawag na couple.

“Nagdyi-gym kami ng magkasama, lumalabas ng magkasama at kapag may problema siya, tulad ng nagaganap sa kanila ngayon between him and his daddy I give advice. This is after listening to what he has to say. We’re really really close pero, bilang magkaibigan lang. We’re not a couple,” anang kabataang artista na una nang nagsabing niligawan siya ni Inigo Pascual at nagkaroon sila ng sanda­ling relasyon.

“He broke my heart,” sabi ng nililigawan ngayon ng anak ni Cesar Montano. Focus muna kami sa trabaho namin,” katwiran pa niya sa pag-friend zone niya kay Diego.

Bagaman at marami ang nagsasabi that Sofia is both sweet and friendly, kabaligtaran ito ng ugali niya nung siya ay bata pa.

“Terror ako sa mga yaya. I was a bully at napakamaldita when I was young. I used to step on the mop kapag naglilinis sila at ‘yung mga maayos kong mga damit ay ginugulo at nilulukot kong muli para ayusin nila. Pero, noon ito when I was younger. Nagbago na ako sa pagdaan ng panahon. The years have brought some wonderful changes in me and I believe na lahat ng ginawa ko ay dala lamang ng kabataan ko,” paliwanag niya. 

Meron na naman silang nakatakdang serye ni Diego na inaasahan ng lahat ay mas maglalapit pa sa kanila. At sino ang makapagsasabi, baka ang panahon din ang magpasya na para sila sa isa’t isa.

Meron din siyang pelikula. Pero hindi kasama si Diego, ang Pwera Usog na palabas na sa March 8.

TNT ng Showtime mas pahirap

Pinakamahirap siguro na ipinagagawa sa mga singing contestant ang pinagdaraanan ng mga nananalo sa Tawag ng Tanghalan (TNT) sa It’s Showtime. Kahit nanalo na sila ay may tsansa pa rin sila na ma-gong kapag sumablay sila sa pagkanta.

Ito ang hindi kagandahan sa nasabing contest na kung saan ay nanggaling sina Nora Aunor at Edgar Bobot Mortiz.

May text votes na rin kung saan nagkakaroon ng karapatan ang manonood na makapili ng mananalo na madalas ay hindi naman tugma sa desisyon ng mga hurado.

Ang TNT sa Showtime nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez, Jugs & Teddy, Ryan Bang, Joey Mar­quez at Jhong Hilario ang nagbibigay ng malaking kalamangan sa kanilang programa sa tanghali. At hindi ito madali dahil isa nang institusyon ang kanilang binabangga.

Sue nagkaka-career na

Pinalitan ni Sue Ramirez si Jessy Mendiola bilang Korean Tourism Ambassador.

Pumunta ng Korea ang kabataang aktres na kung saan ay nasubukan niya ang hospitality ng mga Koreano na paborito ring puntahan ang ating bansa.

Nagsisimula nang dumating ang swerte ni Sue na hindi lamang marunong umarte kundi kumakanta rin kaya naman madalas ay napapanood siya sa ASAP. Bahagi rin siya ng isang game franchise na ginawan ng bersyon dito ng ABS-CBN, ang I Can Do That.

 

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with