^

PSN Showbiz

Outfit sa tag-init tampok sa TWRR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palapit na ang summer kaya ang host at premyadong beauty guru na si Ricky Reyes ay magbabahagi ng mga dapat gawin sa panahong ito sa The World of Gandang Ricky Reyes (TWGRR).

Bisitahin ang Golden Sunset Resort sa Calatagan Batangas na patok na patok sa inyong summer pasyalan at outing dahil sa kanilang magagandang amenities.

Mapapanood ang iba’t ibang klaseng summer wear na babagay sa tag-araw.

Sa mga mommies na gustong ibalik ang kaseksihan para swak sa summer, maraming ibabahaging sagot si Dr. Renee Valerio dyan.

Alamin din kung paano makakatulong ang Fiber Health para sa inyong kalusugan.

Samantala, si Julia na sobrang kinky ang buhok may bonggang make over sa Gandang Ricky Reyes Salon dahil sa Magic Re-Gold treatment.

Pagkatapos naman ng grand launching ng Type ng Bayan sa Mandaluyong at Pasig, ang Parañaque City naman ang sumunod sa pagpapalaganap ng libreng blood typing na ito.

Panoorin ang The World of Gandang Ricky Reyes sa Sabado (March 4) 9-10am sa GMA News TV.

 

vuukle comment

GANDANG RICKY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with