^

PSN Showbiz

Ronwaldo Martin mas malaki ang tsansa!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nagsisimula nang ipamalas ng nakababatang kapatid ni Coco Martin na si Ronwaldo Martin, ang talento sa pag-arte. Su­werte ang kanilang pamilya na dahil dalawa sa kanilang mi­yembro ang may talent.

Nag-artista ang batang Martin sa isang panahong sikat na sikat na si Coco. Kung dumaan man sa butas ng karayom si Coco sa kanyang pagsisimula, dama ng lahat ang mahirap na proseso na pagdaraanan din ni Ronwaldo.

Pinaghalong suwerte at ta­lento lamang ang dahilan ng kanyang mabilis na pag-usad. Para ituring siya ni direk Joel Lamangan na pinakamagaling na artista ng kanyang henerasyon ay isang napakalaking pagtanggap ng kanyang talento.

At marahil sa kasikatan na kanyang tinatamasa ay hindi maiinggit at mai-insecure ang mas sikat na artista niyang kapatid. Sa halip, ay matutuwa ito na may susunod na sa kanya na makapagtataguyod din ng kanilang pamilya. Mas malaki ang tsansa ni Ronwaldo dahil mas bata siyang nag-artista. Napakahaba ng panahon para maabot niya ang tagumpay.

Kris sinubukan lang ng tadhana

Nagsimula na ng taping kahapon si Kris Aquino para sa bagong palabas niya sa TV. Wala dapat pagtakhan o hindi dapat magulat dahil sa kanyang trabaho sa TV nakilala ang ex-presidential daughter and sister.

Bagaman at tila sinubukan siya ng tadhana sa mga nakaraang panahon, ang talento niya ay hindi maaaring ipagwalang-bahala.

May mas gaganda bang balita rito, hindi lamang para sa TV host kundi sa maraming supporters niya?

May awa ang Diyos…

Akala ko ‘yung mismong cancer patient lamang ang pinahihirapan nang labis ng kanilang karamdaman, pero sa palagay ko mas sobra ang sakit na nararamdaman ng mga taong nagmamahal at saksi sa paghihirap ng mga cancer patient.

Ang mga may cancer, alam kung saan at ano ang masakit sa kanila. Pero ang mga nakamasid sa kanila ay hirap manghula kung paano ba nila maiibsan ang sakit na nararamdaman ng mga may sakit nilang mahal sa buhay.

Masakit matamaan ng The Big C, at ma­­­laking halaga ng pera ang kinakailangan para maipagamot ito. At hindi sapat na may pera ka para hindi ka makaramdam ng kawalan ng pag-asa. Mas nakakalala ng sakit ang pangyayaring baka matapos maubos ang pera mo sa kapapagamot ay maiwan mo ang mga mahal mo sa buhay nang walang-wala.

Pero habang may nalalabi ka pang hininga at pag-asa, patuloy mong hihilingin sa Kanya na dugtu­ngan pa ang iyong buhay dahil may naghihintay sa iyo dahil may umaasa pa sa iyo at naniniwalang hindi Siya ganun kalupit, na pagbibigyan pa ang kahilingan mo.

Jodi ginahasa

Isang maramdaming kuwento ng isang inang ibinenta ang anak sa sariling ama ang gagampanan ni Jodi Sta. Maria sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.

Lumaki si Marie (Jodi) na kinagisnan ang amang nagtutulak ng droga at inang pinagbubuhatan siya ng kamay. Akala niya ay aayos ang kanyang buhay sa piling ng isang lalaki kaya naman lumayas siya sa poder ng ina at kinasama ang binata. Sa kasamaang palad ay mas masahol pa pala ang sasapitin niya dahil mismong ang kasintahan niya ang gumahasa at lumapastangan sa kanyang pagkababae.

Walang ibang masasandalan si Marie kung hindi ang anak at inang si Linda (Maureen Mauricio). Para maitawid ang pangangailangan ng pamilya, papayag si Marie na iluwal ang isang sanggol kapalit ng perang ibibigay sa kanya ng ama nito.

Papayag kaya si Marie na tuluyan mawalay sa anak?

Makakasama din sa upcoming episode sina Raymond Bagatsing, Ahron Villena, at Lara Morena.

Napapanood ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with