^

PSN Showbiz

Sex video nina Vice Ganda at Ronnie tinalbugan ng isa pang gay comedian at male model!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Sen. De Lima welcome na welcome raw mag-join sa prayer service nina Bong

 

PIK: Talagang pinaghandaan nang husto ng pamilya Revilla ang nalalapit na 90th birthday ng dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Sabi nga ni Cong. Strike Revilla, “Actually, hindi na ako naghanda. Nakikisingit na lang ako sa birthday niya.

“Makikita niyang mag-perform ang buong pamilya. Hindi namin ginawa nu’ng mag-80 siya, suma­yaw lang kami nun. Ito rin ho, may ipapakita rin kami sa 90th birthday niya. Gusto naming ipakita na na­ging bahagi naman siya ng sambayanang Pilipino, hindi lang sa pelikula kundi sa public service.

“Pagpapasalamat na rin namin na inabot niya ang 90 years old, pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang operasyon na naging successful naman. Sana mabigyan siya ng patuloy na kalakasan.”

Kamakalawa lang kasi isinilebrayt ni Cong. Strike ang 47th birthday niya at sa halip na maghanda, nagpa-medical mission na siya at mass baptism, at doon na rin niya ini-launch ang DAD o Duterte Against Drugs kung saan nagkaroon ng volleyball tournament na ginanap sa Strike Gymnasium na sinalihan ng mga artista gaya nina Glydel Mercado, Alma Concepcion at marami pa.

PAK: Pinag-usapan kamakailan lang na meron daw kumakalat na sex video sina Vice Ganda at Ronnie Alonte pero wala namang lumabas na video. Wala rin namang nagsabing nakita nila ang nasabing video.

Naloka lang kami sa kuwento ng isang kaibigan na meron daw palang sex video ang isang bading na komedyante rin kasama ang isang male model na naging miyembro noon ng isang grupo.

Hindi si Vice Ganda ang tinutukoy niya pero kilala ring bading na komedyante.

Nakakarimarim daw ang eksena na kung saan binu-bottom ng bading na komedyante ‘yung male model.

Wala lang kaming konek kung paano matanong ito sa komedyante. ‘Yung male model naman ay wala na rito, at tahimik na raw na nagtatrabaho sa ibang bansa.

BOOM: Ayon kay Bacoor Mayor Lani Mercado hindi raw imposibleng magkita sa loob ng Custodial Center sina Sen. Leila De Lima at Sen. Bong Revilla, pati na rin si Sen. Jinggoy Estrada.

Naikuwento ni Mayor Lani sa birthday celebration ni Cong. Strike Revilla na nagpadala raw pala si Sen. Bong ng tsokolate kay Sen. De Lima at meron itong kalakip na mensahe na patuloy lang na kumapit sa Diyos.

Sabi ni Lani, “Wala akong masabi, mabait lang talaga ang asawa ko. He has a good heart.”

Meron kasing prayer service sina Sen. Bong kasama ang buong pamilya tuwing Linggo. Welcome naman daw si Sen. De Lima kung gusto nitong sumali sa kanilang pagdarasal.

“Malay mo bakit siya dun dinala; it might be an opportunity na magkaroon ng friendship ang mga tao na nandoon, at hindi imposible ‘yun.

“Hindi ko nakitaan ng maling kaganapan dun kung mangyayari mang ganun,” pahayag pa ni Ma­yor Lani Mercado.

vuukle comment

RAMON REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with