^

PSN Showbiz

Vicor limang dekada na!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Punum-puno ang Philippine Stock Exchange Auditorium in Ortigas Center, Pasig City noong nakaraang Huwebes (March 2) ng gabi sa ika-50 taong anibersaryo ng Vicor Music Corporation na binuo noong 1966 ng mag-pinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad (who was then the popular lead vocalist ng bandang Orly Ilacad & the Ramrods kung saan din naging drummer noon ang big boss ng TAPE, Inc.,  APT Entertainment at Triple A Talent Management na si G. Tony Tuviera na mas kilala ngayon as Mr. T.

Although kakaunti lamang ang recording ar­tists na dumalo, napuno ito sa mga dating executives at  empleyado ng record company sa loob ng limang de­kada.

Sina Pilita Corrales, Martin Nievera, Tirso Cruz III, Eva Eugenio, Sen. Tito Sotto, Ali Sotto (formerly Aloha) at Lirio Vital ay ilan sa mga naging recording artists ng Vicor na dumalo. Nag-perform si Martin ng medley ng kanyang mga unang hits sa Vicor at si Pilita sa kanyang signature hit na Kapantay ay Langit na kinompos ng yumaong si George Canseco. Dumalo rin ang mag-asawang Ronnie Ricketts at Mariz.

Si Tito Sen (Sen. Tito Sotto) ay naging isa rin noon sa mga executive ng Vicor. Naroon din ang head ng marketing and sales noon ng Vicor na si G. Tony Ocampo na hanggang ngayon ay kabilang pa rin sa kumpanya na ipinagpatuloy ni Boss Vic del Rosario.

Taong 1966 nang mangupahan sila (Orly at Vic) ng isang maliit na kuwarto sa isang building sa may Raon St., Sta. Cruz Manila with one chair and one table. Maagang pumapasok sa kanilang opisina si Boss Vic at sa hapon naman si Boss Orly dahil sa gabi ay puyat ito sa gigs at recording,

Si Boss Vic noon ang may knack sa negosyo at pagdating naman sa musika ay teritoryo ito noon ni Boss Orly. Vicor stands for Vic and Orly. Ang isang maliit na tanggapan sa Raon St. ay nalipat sa JLB Building sa Ronquillo St., Quiapo Manila kung saan isa at kalahating floor ang okupado nila.

Taong 1976 naman nang lumipat ang Vicor sa kanilang bagong tanggapan sa isang five-storey building in Aurora Blvd., Cubao, Quezon na nagkaroon pa ng isa pang building along Aurora Blvd. para naman sa naging sister company ng Vicor, ang Blackgold Records.

In 1970’s na itinuturing na Glory Days ng record and music business, ang Vicor ang naging number one record company with an array of recording talents and stars. 

Kung hindi ako nagkakamali, Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales recorded the most number of albums at karamihan sa mga ito were recorded in Tagalog considering na siya ay isa na noon sa mga top attraction ng Las Vegas, Nevada. Pilita fluently speaks Cebuano, Spanish and English pero pawang Tagalog songs ang kanyang mga inirecord at pawang top-selling ang kanyang mga album noon at minamani lamang niya ang kabi-kabilang pagtanggap ng mga Gold Record at Platinum Awards.

Victor Wood was hailed as Jukebox King at si Florence Aguilar naman ang Jukebox Queen nu’ng mid-70s long before dumating ang era nina Didith Reyes, Imelda Papin, Eva Eugenio, at Claire (na naging bahagi rin noon ng Vicor). Kahit nagsimula ang recording career ni Nora Aunor sa Alpha Records, lumipat din siya ng Vicor kung saan din noon nakakontrata ang kanyang ka-loveteam na si Tirso Cruz III.

Maging ang magka-loveteam noon na sina Vilma Santos at Edgar “Bobot” Mortiz ay nasa bakuran din ng Vicor.

It was in December 1977 nang tuluyang maghiwalay sa negosyo ang magpinsang Vic at Orly. Bukod sa Vicor, itinatag ni Boss Vic ang Viva Records at Viva Films habang si Boss Orly naman ay itinayo ang OctoArts International (sa recording) at OctoArts Films na parehong lumago ang mga negosyo.

 AiAi gagawa ng pelikula

Lumagda kahapon (March 3) ng hapon ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas ng one-picture contract sa bagong film outfit na Cineko Productions para sa pelikulang nakatakdang idirek ng award-winning director na si Joel Lamangan mula sa panulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

Ayon sa isa sa mga producer ng Cineko Productions na si Ladylyne Mendoza-Ilao, limang pelikula ang nakatakda nilang gawin sa loob ng taong ito at kasama na rito ang follow-up movie ni Vhong Navarro sa kanyang hit movie na Mang Kepweng Returns, ang The Adventures of Mang Kepweng.

vuukle comment

PHILIPPINE STOCK EXCHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with